Nag-iisang metal church sa Pilipinas, bukas sa “Visita Iglesia”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 442 total views

Inaanyayahan ng San Sebastian Basilica Conservation and Development Foundation Incorporated ang mga mananampalataya para sa Visita Iglesia sa Huwebes Santo ika-13 ng Abril, 2017.

Ayon kay Father Antonio Zabala Jr, Kura Paroko ng San Sebastian church, layunin ng visita Iglesia na mapalalim ang pananampalataya ng mga Kristiyano at ang pagkilala sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoon.

Dagdag pa ng pari, sa pamamagitan ng pagbisita sa San Sebastian Church ay maipababatid sa mga mananampalataya ang kasaysayang nakapaloob sa nag-iisang metal church sa Pilipinas.

“Just as Visita Iglesia is an expression of our devotion, our penitence and our faith, so too is the Minor Basilica of St. Sebastian,” pahayag ni Fr. Zabala.

Nanawagan naman si Father Zabala sa mga mananampalatayang Pilipino na tulungan ang San Sebastian upang makumpuni ang mga kinakalawang na bahagi ng Simbahan.

“We once again rally the faithful to help us in its restoration project so that we can truly affirm the strength of our faith,” Dagdag pa ng pari.

Nabatid na ang San Sebastian church ay 125-taon nang nakatayo sa Plaza Del Carmen, Quiapo, Manila.

Dito rin ginaganap ang taunan at makasaysayang pagdungaw ng mahal na birhen ng Del Carmen sa Poong Hesus tuwing isinasagawa ang Traslacion ng itim na Poong Nazareno.

Aminado si Father Zabala na mahabang panahon at malaking pera ang gugugulin para lubusang mapanumbalik ang matibay na istruktura ng 132-metal columns ng San Sebastian Church.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30-porsiyento na ang naisasaayos dito, matapos unang ma-restore ang limang columns ng Minor Basilica of San Sebastian.

Photo Credit: © https://en.wikipedia.org/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 37,505 total views

 37,505 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 61,821 total views

 61,821 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 97,611 total views

 97,611 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 138,638 total views

 138,638 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 189,390 total views

 189,390 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 301,752 total views

 301,752 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top