PABASA at PAMANA (Panata at tradisyon)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,040 total reads

Matatanggap kaya ng isang kabataan ang isang bagay na ipapamana sa kanya kung ito ay sobrang luma na at lipas na sa panahon? Kagaya ng Pabasa, Kung pag-uusapan natin ang tradisyong ito, ilang porsyento pa kaya sa mga kabataan ang magbubuhos ng interes dito?

“Boring, pangmatanda lang yan, Pero masaya pag kasama tropa, madaming pagkain parang Fiesta”. Iyan ay ilan lamang sa mga sagot ng mga kabataang natanong ko tungkol sa tradisyon ng pagbasa.

Niluma man panahon, bakas pa din ang kasaysayan. Sa pagitan ng relihiyon at tradisyon ay ang panata ng Pabasa. Pero alam mo nyo ba na kahanga-hanga ang ating mga ninuno ? kung babalakan kasi ang pinagmulan ng Pabasa malalaman natin na kakaiba talaga ang tatak ng Pinoy.

PABASA, ARTISTIKONG RIWAL NG PANALANGIN
Bago pa man dumating ang mga Kastila ay naging ugali na ng mga katutubong Pilipino na awitin nang patula ang talambuhay ng kanilang mga bayani tulad ng “Biag ni Lam-ang”, “Indarapatra at Sulayman”, “Bidasari”, “Maragtas” at iba pa. Ang tawag sa mga ito ay epiko. Tuwing may mahahalagang okasyon sa tribo ay inaawit nila ang epiko ng buhay ng kanilang mga bayani upang kanilang pagnilayan. Kaya naman nang dumating sa bansa ang kuwento ng buhay ni Hesu-Kristo ay hindi nakaligtas sa mga Pinoy na gawan din ito ng epikong awitin. Pasyon ang tawag sa paglalahad ng buhay ng ating Panginoon sa paraaang patula at pagpag-awit. Kaya kung papansinin natin ang tono ng pasyon, ito ay hango sa tunog ng ritwal ng ating mga ninuno.

Ang Pabasa ay ang pag-awit o pagbasa ng mga deboto sa mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong kanta, sinasamahan ng mga instrumento kung minsan upang mas masigla ang pagbabasa. Kadalasan ang pabasa ay idinadaos kapilya ng barangay at mga tahanan. Si Padre Mariano Bernabe Pilapil (1756-1818) ay tubong San Jose, Bulakan, Bulacan. Ang Sumulat ng “Pasyong Mahal”

Ngunit ang nakikita natin sa kasalukyang paggunita sa tradisyong ito ay naiiba na sa paraan kung paano ito nagsimula. Ngayon ay nahahati na ang mga bumabasa sa dalawa, sa nakakatanda at nakakabata. Hinayaan na rin ang mga kabataan sa ibang lugar na awitin ito ng tugma sa kanilang henerasyon. Gaya ng pasyon na pa rap at may mabilis na beat.

KULTURA AT PANANAMPALATAYA
Ang pabasa nga ay bahagi ng ating pagkakakilalanlan. Dahil sa tradisyong ito nagkakaroon ng pagkakataong magkatipon ang magpapamilya. Nakikita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat grupo at sambayanan.
Ang taos pusong pananalangin at matinding pag-ibig ng ating mga ninuno sa Diyos, ang siyang naging pangunahing sangkap ng pananatili ng tradisyong ito.

Ang Panata sa pabasa ay sibolo din ng pananampalataya ng isang Kristyano. Bukod sa paghiling ito rin ay pamamanata bilang pasasalamat sa biyayang natatanggap at mga himala mula sa Diyos. Ang paggunita sa dakilang pag-ibig ng Diyos ang sentro ng tradisyong ito. Dapat itong pahalagahan at sariwain ng may paggalang . Sa katahimikan ay musika para sa kwaresma. Magnilay tayo at magbalik loob sa Diyos. Kagaya ng ating mga ninuno na pinaigting ang kanilang pagiging Kristiyano sa saliw ng awit bilang papuri at pagkilala sa pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 95,430 total reads

 95,430 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,517 total reads

 172,517 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 205,965 total reads

 205,965 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 241,265 total reads

 241,265 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 464,095 total reads

 464,095 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 299,119 total reads

 299,119 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,793 total reads

 409,793 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top