PABASA at PAMANA (Panata at tradisyon)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,905 total views

Matatanggap kaya ng isang kabataan ang isang bagay na ipapamana sa kanya kung ito ay sobrang luma na at lipas na sa panahon? Kagaya ng Pabasa, Kung pag-uusapan natin ang tradisyong ito, ilang porsyento pa kaya sa mga kabataan ang magbubuhos ng interes dito?

“Boring, pangmatanda lang yan, Pero masaya pag kasama tropa, madaming pagkain parang Fiesta”. Iyan ay ilan lamang sa mga sagot ng mga kabataang natanong ko tungkol sa tradisyon ng pagbasa.

Niluma man panahon, bakas pa din ang kasaysayan. Sa pagitan ng relihiyon at tradisyon ay ang panata ng Pabasa. Pero alam mo nyo ba na kahanga-hanga ang ating mga ninuno ? kung babalakan kasi ang pinagmulan ng Pabasa malalaman natin na kakaiba talaga ang tatak ng Pinoy.

PABASA, ARTISTIKONG RIWAL NG PANALANGIN
Bago pa man dumating ang mga Kastila ay naging ugali na ng mga katutubong Pilipino na awitin nang patula ang talambuhay ng kanilang mga bayani tulad ng “Biag ni Lam-ang”, “Indarapatra at Sulayman”, “Bidasari”, “Maragtas” at iba pa. Ang tawag sa mga ito ay epiko. Tuwing may mahahalagang okasyon sa tribo ay inaawit nila ang epiko ng buhay ng kanilang mga bayani upang kanilang pagnilayan. Kaya naman nang dumating sa bansa ang kuwento ng buhay ni Hesu-Kristo ay hindi nakaligtas sa mga Pinoy na gawan din ito ng epikong awitin. Pasyon ang tawag sa paglalahad ng buhay ng ating Panginoon sa paraaang patula at pagpag-awit. Kaya kung papansinin natin ang tono ng pasyon, ito ay hango sa tunog ng ritwal ng ating mga ninuno.

Ang Pabasa ay ang pag-awit o pagbasa ng mga deboto sa mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong kanta, sinasamahan ng mga instrumento kung minsan upang mas masigla ang pagbabasa. Kadalasan ang pabasa ay idinadaos kapilya ng barangay at mga tahanan. Si Padre Mariano Bernabe Pilapil (1756-1818) ay tubong San Jose, Bulakan, Bulacan. Ang Sumulat ng “Pasyong Mahal”

Ngunit ang nakikita natin sa kasalukyang paggunita sa tradisyong ito ay naiiba na sa paraan kung paano ito nagsimula. Ngayon ay nahahati na ang mga bumabasa sa dalawa, sa nakakatanda at nakakabata. Hinayaan na rin ang mga kabataan sa ibang lugar na awitin ito ng tugma sa kanilang henerasyon. Gaya ng pasyon na pa rap at may mabilis na beat.

KULTURA AT PANANAMPALATAYA
Ang pabasa nga ay bahagi ng ating pagkakakilalanlan. Dahil sa tradisyong ito nagkakaroon ng pagkakataong magkatipon ang magpapamilya. Nakikita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat grupo at sambayanan.
Ang taos pusong pananalangin at matinding pag-ibig ng ating mga ninuno sa Diyos, ang siyang naging pangunahing sangkap ng pananatili ng tradisyong ito.

Ang Panata sa pabasa ay sibolo din ng pananampalataya ng isang Kristyano. Bukod sa paghiling ito rin ay pamamanata bilang pasasalamat sa biyayang natatanggap at mga himala mula sa Diyos. Ang paggunita sa dakilang pag-ibig ng Diyos ang sentro ng tradisyong ito. Dapat itong pahalagahan at sariwain ng may paggalang . Sa katahimikan ay musika para sa kwaresma. Magnilay tayo at magbalik loob sa Diyos. Kagaya ng ating mga ninuno na pinaigting ang kanilang pagiging Kristiyano sa saliw ng awit bilang papuri at pagkilala sa pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 12,441 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 12,546 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 77,286 total views

 77,286 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 146,681 total views

 146,681 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 177,965 total views

 177,965 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 209,978 total views

 209,978 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 358,290 total views

 358,290 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 178,843 total views

 178,843 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 332,860 total views

 332,860 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top