Bishop Mallari, nag-alay ng panalangin sa kahinahunan at lakas ng loob ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,495 total reads

Hinimok ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga Pilipino na maging mahinahon at patatagin ang pananampalataya sa pagharap sa mga suliranin sa ekonomiya.

Ito’y sa malaking epekto ng big-time oil price hike, pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, pagtaas ng pamasahe at serbisyo na resulta ng digmaan sa Middle East.

Ayon kay Bishop Mallari, sa pamamagitan ng pananampalataya ay mapapalakas ang loob ng mga Pilipino sa pagharap ng mga suliranin at makabangon sa pagkalugmok.

“Panalangin para sa Kahinahunan at Lakas ng Loob ng mga Pilipino:
Mahal na Diyos, sa gitna po ng kaguluhan at krisis dulot ng digmaan, kami po ay lumalapit sa Iyo na may bukas na puso. Bigyan po Ninyo kami ng kapayapaan, lakas ng loob, at kahinahunan upang harapin ang mga hamong ito. Gabayan po Ninyo ang aming mga pinuno upang makagawa sila ng mga desisyong makakapagpaunlad at makapagbibigay-lunas sa aming bayan. Pawiin po Ninyo ang takot at pagdududa sa aming mga puso, at palakasin ang aming pananampalataya na sa tulong Ninyo ay malalampasan namin ang pandemyang ito at ang mga epekto ng digmaan. Amen,” ayon sa panalangin na pinadala sa Radyo Veritas ni Bishop Mallari.

Ayon sa Obispo, mahalaga rin ang pagkakaisa sa puso ng bawat Pilipino upang malutas ng sama-sama ang problemang kinakaharap ng bansa.

“Mga minamahal kong kababayan, sa panahon ng krisis, higit nating kailangan ang pagkakaisa at pagkakaroon ng pag-asa. Hindi madali ang mga pagsubok na dulot ng digmaan — mula sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin hanggang sa kawalan ng katiyakan sa ating pang-araw-araw na buhay. Ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa. Manalig tayo sa Diyos, magtulungan tayo bilang isang bayan, at patuloy na magpakatatag. Sama-sama nating haharapin ang mga hamon at manalig na sa kabila nito ay may bukang-liwayway na naghihintay sa atin,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Mallari.

Una ng inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong taas presyo sa pamasahe sa mga traditional jeepneys.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,306 total reads

 9,306 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,759 total reads

 10,759 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,124 total reads

 23,124 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 60,502 total reads

 60,502 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 91,772 total reads

 91,772 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 167,640 total reads

 167,640 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,741 total reads

 260,741 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top