Tigilan ang pagsisinungaling, paalala ni Bishop Bagaforo sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,437 total reads

Mariing tinukoy ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang lumalalim na “crisis of credibility” sa lipunan, kasabay ng panawagan ng pagpapanumbalik sa katotohanan at integridad.

Ito ang naging homiliya ni Bishop Bagaforo sa misang ginanap sa House of Representatives na bahagi ng Spiritual and Values Enhancement Program sa Kamara sa inisyatibo ni Speaker Faustino Dy III.

Ayon sa obispo, ang tila maliliit na kasinungalingan ang unti-unting sumisira sa pundasyon ng tiwala sa iba’t ibang sektor—mula sa pamilya hanggang sa pamahalaan.

“Madalas iniisip natin na ang pagsisinungaling ay maliit na bagay lamang… pero sa mata ng Diyos, ito ay seryoso dahil winawasak nito ang tiwala at inilalayo tayo sa katotohanan at sa Diyos na siyang katotohanan,” ayon kay Bagaforo.

Binigyang-diin niya na ang pangunahing ugat ng lumalalang krisis ng kredibilidad ay ang pagkawala ng tiwala ng publiko sa mga lider at institusyon.

“Today we live in a time when many people complain about a crisis of credibility… often the root is simple—people no longer trust the words of their leaders,” pahayag niya.

Ipinaliwanag ng obispo na kapag nasira ang tiwala, mahirap na itong maibalik—kahit pa nagsasabi na ng totoo ang isang tao.

“Kapag ang isang tao ay nakilala bilang sinungaling, nagdududa na ang mga tao sa lahat ng kanyang sinasabi. Even if later, he tells the truth, people will say, maybe that is not true,” paliwanag pa ng obispo ng Kidapawan.

Ginamit din niya ang kuwentong “The Boy Who Cried Wolf” upang ilarawan kung paanong ang paulit-ulit na pagsisinungaling ay humahantong sa tuluyang pagkawala ng kredibilidad.

“That is what lying does—it destroys credibility,” diin pa ng obispo.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, hindi lamang winawasak ng kasinungalingan ang tiwala kundi tinatakpan din nito ang katotohanan at inilalayo ang tao sa Diyos.

“God never lies… when God says He loves us, He means it. But when we lie, we move away from the truth,” paliwanag ng obispo.

Dagdag pa niya, nagsisimula sa maliliit na kasinungalingan ang mas malalaking panlilinlang—mula sa simpleng pag-iwas sa responsibilidad hanggang sa pagtatago ng katotohanan para sa pansariling interes.

“One lie usually leads to another… until a person becomes trapped in a web of lies,” babala ng obispo.

Binigyang-diin din niya na ang pagsisinungaling ay sumisira sa pagkakakilanlan ng tao bilang anak ng Diyos, at taliwas sa itinakda ng ika-siyam na utos laban sa pagbibintang at pagsaksi ng kasinungalingan.

“A Christian should be someone who, when he speaks, people can say: ‘He said it, it must be true,’” aniya.

Sa huli, hinimok ni Bagaforo ang publiko—lalo na ang mga nasa pamahalaan at institusyon—na magsagawa ng masusing pagsusuri sa sarili at piliing panindigan ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon.

“God is faithful. God never forgets us. God is truth. Therefore, let us live in the truth,” pagtatapos niya.

Ang mensahe ng obispo ay nagsisilbing matinding paalala sa gitna ng patuloy na hamon sa kredibilidad sa lipunan—na ang katotohanan at tiwala ay hindi lamang pinapahayag, kundi pinangangalagaan sa bawat salita at gawa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,741 total reads

 7,741 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,319 total reads

 9,319 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,516 total reads

 20,516 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,894 total reads

 57,894 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,164 total reads

 89,164 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,339 total reads

 165,339 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,549 total reads

 258,549 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,320 total reads

 9,320 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top