The Catholic Church is founded on the Apostles-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na hindi likha ng tao kundi isang banal na institusyon ang pamunuan ng Simbahan na may layuning ipagpatuloy ang misyong ipinagkaloob ni Kristo sa mga Apostol hanggang sa wakas ng panahon.

Sa kanyang katesismo sa Angelus sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa na ang istruktura ng Simbahang Katolika ay may banal na pinagmulan at hindi ordinaryong organisasyong panlipunan lamang.

“The hierarchical structure is not a human construct… but a divine institution whose purpose is to perpetuate the mission given by Christ to the Apostles until the end of time,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang Simbahan ay itinatag mismo sa pundasyon ng mga Apostol at patuloy na ginagampanan ang misyon nito sa pamamagitan ng kaayusang nagsisilbi sa pagkakaisa, pagpapabanal, at misyon ng lahat ng mananampalataya.

“The Catholic Church is founded on the Apostles… and possesses a hierarchical structure that works in the service of the unity, mission and sanctification of all her members,” dagdag pa ng Santo Papa.

Nilinaw din ng punong pastol ng Simbahan ang kahalagahan ng apostolic succession kung saan ang ministeryo ng mga Apostol ay ipinagpapatuloy ng kanilang mga kahalili sa kasalukuyan.

“They hand on their ministry to men who… continue to sanctify, guide and instruct the Church ‘through their successors in pastoral office’,” ayon kay Pope Leo XIV.

Kasabay nito, itinampok ng Santo Papa na ang pamunuan ng Simbahan ay hindi kapangyarihang nangingibabaw kundi isang paglilingkod para sa sambayanan ng Diyos.

“The duty… committed to the shepherds of His people is a true service… called ‘diakonia’ or ministry,” paliwanag ng punong pastol.

Dagdag pa rito, ang tinatawag na ‘sacra potestas’ o banal na kapangyarihan na ipinagkakaloob sa mga inorden ay ginagamit hindi para sa sarili kundi para sa kapakanan ng Simbahan.

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ipanalangin ang patuloy na pagdami ng mga lingkod ng Simbahan na may pusong misyonero at tunay na pagmamahal sa Ebanghelyo.

“Let us pray… for ministers who are ardent with evangelical charity… and courageous missionaries in every part of the world,” panawagan ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 75,878 total reads

 75,878 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 123,616 total reads

 123,616 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 171,487 total reads

 171,487 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 275,434 total reads

 275,434 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 357,990 total reads

 357,990 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top