Banal na Oras para sa kalikasan: Earth hour 2026 special, tampok sa Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total views

Banal na Oras para sa kalikasan: Earth hour 2026 special, tampok sa Radyo Veritas

Muling makikibahagi ang kapanalig na himpilan sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon bilang pakikiisa sa panawagang pangalagaan at bigyang-pahinga ang inang kalikasan.
Isasagawa ngayong Sabado, March 28, 2026, mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi ang programang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2026 Special,” ng Radyo Veritas, sa pakikipagtulungan ng Climate Change Commission (CCC), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), Diocese of Lucena—Ministry on Ecology, at Alyansa Tigil Mina (ATM).

Tampok sa programa ang sabay-sabay na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, at mga talakayan hinggil sa kalagayan ng iba’t ibang sektor na apektado ng suliranin sa kapaligiran.

Kabilang sa mga panauhin sina CCC Commissioner Rachel Anne Herrera; Lucena Ministry on Ecology Director, Fr. Warren Puno; CBCP-ECIP Executive Secretary Tony Abuso; at ATM Chairperson Rene Pamplona.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ika-18 taon na ng pakikibahagi ng Pilipinas sa Earth Hour, na unang isinagawa noong 2007 sa Sydney, Australia, at ngayo’y ipinagdiriwang sa mahigit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo bilang simbolo ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 147,477 total views

 147,477 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 177,701 total views

 177,701 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 204,347 total views

 204,347 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 299,320 total views

 299,320 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 310,695 total views

 310,695 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top