Pagiging pastol ng Diocese of Tagbilaran, buong kababaang-loob na tinanggap ni Bishop-Elect Saco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 782 total reads

Buong kababaang-loob na tinanggap ni Bishop-elect Gerardo Saco Jr. ang pagkatalaga sa kaniya bilang bagong Obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran.

Ayon sa pari, ang pagkahirang na pastol sa diyosesis na may halos isang milyong kawan ay hindi bunga ng sariling kagustuhan kundi tugon sa tawag ng Diyos.

“This call is not mine personally, but a call from the Lord. And if it is the Lord who calls, then He will also provide the strength and the grace to fulfill this mission,” ayon kay Bishop-elect Saco.

Aminado ang pari na nakaramdam ito ng pangamba at pag-aalinlangan nang ipaalam ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang appointment sa kanya, ngunit binigyang-diin ang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos na siyang magbibigay ng kakayahan upang magampanan ang misyong ipinagkatiwala sa kanya.

Sinabi ni Bishop-elect Saco na sa pamamagitan ng panalangin ay naging malinaw sa kanya ang tunay na pinanggagalingan ng tawag, kaya’t buong kababaang-loob niyang tinanggap ang bagong tungkulin.

“Therefore, in obedience to the will of God and in communion with the Holy Church, I humbly accept this appointment as the Bishop of Tagbilaran,” dagdag ng bishop-elect.

Binigyang-diin din ni Bishop-elect Saco na ang kanyang pagtanggap ay hindi nakabatay sa sariling kakayahan kundi sa kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa gitna ng kahinaan ng tao.

“I accept not because I am capable but because I believe that God can work even through my weakness,” aniya.

Ipinaalala rin ng bishop-elect na ang pagiging obispo ay hindi isang karangalan kundi isang misyon ng paglilingkod.

“Not fame, but a call to service, to love, to listen, and to guide the people of God in our diocese,” giit ni Bishop-elect Saco.

Humiling ang bagong talagang obispo ng panalangin mula sa mga mananampalataya upang magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang pastol ng Simbahan.

“Pray for me, that I may be a faithful Shepherd who listens to God, who cares for the poor, who strengthens the weak, and who brings all closer to Christ,” panawagan niya.

Umaasa rin ang bishop-elect sa patuloy na pakikiisa ng kaparian at ng buong sambayanan ng Diyos upang higit pang mapatatag ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa diyosesis.

March 25 sa pagdiriwang ng Feast of the Annunciation nang hirangin siyang obispo ni Pope Leo XIV makalipas ang ilang buwang paninilbihang diocesan administrator ng Tagbilaran nang maging sede vacante mula September 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 19,607 total reads

 19,607 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 81,301 total reads

 81,301 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 126,999 total reads

 126,999 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 228,267 total reads

 228,267 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 297,358 total reads

 297,358 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top