Pangulong Duterte, pinaalalahanan sa pangako sa mga maralita.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total reads

Muling ipinaalala ni SIKAP LAYA Inc. lead convenor Rev. Fr. Pete Montallana kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga naging pangako sa mga maralita noong panahon ng kampanya.

Ayon sa Pari, mariing pinanghahawakan ng mga mahihirap na mamamayan ang kanyang naging pangako na pagtulong sa mga maralita partikular na ang pagbibigay ng pabahay.

“Kaya nanalo si Duterte dahil yung pangako niya na talagang lahat ng mga mahihirap yung lalo yung squatter ay mabigyan ng maayos na pabahay pero unfortunately itong NHA has been foot-dragging yung kanyang trabaho…”pahayag ni Father Montallana sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito umaasa si Fr. Montallana na muling mabibigyang pansin ng Pangulo ang kalagayan ng mga mahihirap upang suriin at italaga sa mga pangunahing departamento para sa mga mahihirap ang mayroong puso para sa maralita.

“Sana tuloy-tuloy na mapansin ng ating Presidente yung ilalagay niya diyan sa mga susing mga departamento para sa mahihirap ay yung may puso talaga sa mahirap kasi hirap na hirap ang tao ngayon…” dagdag pa ni Fr. Montallana.

Pagbabahagi pa ng Pari, dapat na personal na makita at masuri ng mga opisyal ng National Housing Authority at mga mambabatas ang tunay na sitwasyon ng mga maralita upang magkaroon na naangkop na pagtugon sa kanilang sitwasyon.

Sa tala ng N-H-A, nasa 3,609 na housing units sa Pandi, Bulacan na para sana sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang inukopa ng mga miyembro ng grupong KADAMAY.

Batay sa tala ng grupong Habitat For Humanity, mahigit 44 na porsiyento ng urban population ng Pilipinas ang walang permanenteng tahanan kung saan 70-libo sa mga ito ay matatagpuan sa Metro Manila.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang pagkakaroon ng isang tahanang masisilungan ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat nilalang na siya ring nagbibigay dangal sa pagkatao ng isang indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 21,540 total reads

 21,540 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 60,365 total reads

 60,365 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 95,665 total reads

 95,665 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 321,934 total reads

 321,934 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 213,936 total reads

 213,936 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top