Pag-alis ng VAT at discount, panawagan ng simbahan sa pamahalaan at oil companies

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,000 total reads

Nanawagan ng pagkakaisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA) sa pamahalaan at mga pribadong kompanya na tugunan ang krisis sa gasolinang lubhang pinahirapan ang mga driver sa pampublikong sektor.

Ayon kay CBCP-ECPA Executive Secretary Father Jerome Secillano, kinakailangan sa panahon ngayon ay mahalagang mabawasan o tuluyang tanggalin muna ang Value Added Tax at iba pang uri ng buwis na ipinapataw sa suplay ng mga produktong petrolyo upang higit itong mapababa.

“Sa panig ng gobyerno, pwede nilang pansamantalang tapyasan ang Value Added Tax sa langis upang mapababa ang presyo nito sa merkado,” ayon sa mensaheng pinadala ni Father Secillano sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari na mahalaga din ang pakikiisa ng mga pribadong kompanya, higit na ang mga kompanya ng langis sa mga public utility drivers at karaniwang mamamayan.

Hinimok ng opisyal ng simbahan ang mga kumpanya ng langis na magbigay ng discount sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga tsuper.

Iginiit ni Fr.Secillano na hindi lamang ang pamahalaan ang kumilos kundi ang mga kumpanya ng langis na sa halip na makatulong maibsan ang krisis ay sila pa ang dahilan ng napakataas na oil price increase.

“Hindi lang pamahalaan ang dapat umaksiyon para matulungan ang mga driver na dama ang hirap dala ng digmaan sa gitnang Silangan, Maaari ding tumulong ang mga pribadong kumpanya ng langis sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskuwento sa presyo ng gasolina sa mga namamasada,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Father Secillano sa Radyo Veritas.

Dahil sa lubhang pagtaas ng mga produktong petrolyo ay marami na sa mga jeepney driver at iba pang PUJ drivers ang nagsagawa ng transport strike at humihiling na rin ng pagtaas sa pamasahe.

Kumpara noong Enero kung saan umaabot lamang sa hanggang 70-piso ang presyo kada litro ng gasolina, 65-piso naman sa kada litro ng diesel at hanggang 75-piso naman sa kada litro ng kerosene, ngayon Abril sa pagsisimula ng ikalawang quarter ng 2026 ay umaabot na sa hanggang 120-piso ang kada litro ng gasolina, hanggang 170-piso naman sa kada litro ng diesel at hanggang 150-piso naman ang kada litro ng kerosene.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,810 total reads

 80,810 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,899 total reads

 158,899 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,347 total reads

 192,347 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,643 total reads

 227,643 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,964 total reads

 450,964 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top