Prayer for World Peace, ibinahagi ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,081 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos ng mas maigting na pananalangin at pagkakaisa para sa kapayapaan sa buong mundo.

Ito ang mensahe ng obispo kasabay ng pakikiisa sa panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang Holy Hour Reflection for World Peace.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang kapayapaan ay nagmumula kay Kristo na muling nabuhay at kasalukuyang kumikilos kasama ng sangkatauhan.

“He is not distant, not absent, but truly here among us. He comes not as a memory of the past, but as the Living One who stands before us now. And His first word is the same word He spoke to His apostles: “Peace be with you,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Iginiit din ng obispo na ang kapayapaan ng Panginoon ay hindi hatid ng paghatol kundi ng awa at presensya.

“He stands in the midst of our lives—not to judge us, but to restore us; not to condemn us, but to love us,” na ang mismong presensya ni Hesus ang nagiging tunay na kapayapaan ng tao.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na dalhin sa panalangin ang kalagayan ng mundo, lalo na ang mga apektado ng digmaan at karahasan, kabilang ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na nahaharap sa panganib at kawalang-katiyakan.

“We think of families living in fear, of children awakened by violence, of communities torn apart by conflict. We do not come with answers or solutions, but we bring them into the presence of Jesus,” ani ng obispo.

Ipinaalala rin ng pastol na ang tunay na kapayapaan ay nangangailangan ng pagtitiyaga at paghubog.
Panawagan ng obispo sa mga pinuno ng mga bansa na magkaisa sa layuning isulong ang pagbuuklod tungo sa kapayapaan.

“We pray for leaders who choose dialogue over conflict, and for nations that seek reconciliation over retaliation.”
Muling iginiit ni Bishop Santos ang pakikiisa sa Santo Papa sa pagsusulong ng kapayapaan sa mundo.

“We have not come to solve the problems of the world, but to stand in the presence of the One who is its peace,” at panalangin na “may the peace of the Risen Christ dwell within us, and through us, reach others.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 11,663 total reads

 11,663 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,063 total reads

 50,063 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 68,273 total reads

 68,273 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 152,601 total reads

 152,601 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 189,376 total reads

 189,376 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,542 total reads

 1,542 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top