Misa nobenaryo sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Our Lady of Manaoag, pangungunahan ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,688 total reads

Inaanyayahan ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag ang mga mananampalataya na makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang ng pananampalataya sa paggunita sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Nuestra Señora del Rosario de Manaoag.

Sa temang “Inang Maria: Crowned in Grace, Calling us to Jesus,” binibigyang-diin ng selebrasyon ang isang siglo ng debosyon at biyaya, habang inaanyayahan ang bawat deboto na magtipon sa panalangin at pagninilay bilang paghahanda sa makasaysayang sentenaryo.

Magsisimula ang Misa nobenaryo mula April 13 hanggang April 21, ganap na alas-4:30 ng hapon, na pangungunahan ng iba’t ibang obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

Kabilang sa mga mangunguna sina Bishop Rafael Cruz ng Baguio, Bishop Daniel Presto ng San Fernando, La Union, Bishop Fidelis Layog ng Lingayen-Dagupan, at Bishop Napoleon Sipalay Jr. ng Alaminos.

Makikiisa rin sa nobena sina Bishop Rufino Sescon ng Balanga, Bishop Samuel Agcaracar ng San Jose, Nueva Ecija, Cardinal Pablo Virgilio David ng Kalookan, Bishop Jacinto Jose ng Urdaneta, at Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan.

Sa April 22, 2026, isasagawa ang maringal at makabuluhang selebrasyon, ganap na alas-9 ng umaga ang Pontifical Mass at pagsasariwa sa pagputong ng korona sa imahe na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, habang magbabahagi ng pagninilay si Manila Archbishop Jose Advincula.

Susundan ito ng Closing Fiesta Mass sa ganap na alas-4 ng hapon na pamumunuan ni Archbishop Villegas.

Ayon sa paanyaya, ang sentenaryong pagdiriwang ay hindi lamang pag-alala sa kasaysayan kundi isang paanyaya sa mas malalim na pagbabalik-loob at panibagong sigla ng pananampalataya.

“In the presence of our Mother, we find the path to her Son.”

Inaanyayahan ang lahat ng deboto na makiisa sa pagdiriwang na inaasahang magpapatibay sa pananampalataya at magbubuklod sa sambayanan sa ilalim ng pagmamahal ng Mahal na Birhen ng Manaoag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 42,736 total reads

 42,736 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 122,680 total reads

 122,680 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 156,127 total reads

 156,127 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,426 total reads

 191,426 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 416,336 total reads

 416,336 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top