Simpleng pagdaraos ng pista, panawagan ng EcoWaste sa simbahan at lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,088 total reads

Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga lider ng simbahan at lokal na pamahalaan na isulong ang mas simple at matipid na pagdiriwang ng mga pista ngayong tag-init.
Kasabay ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gas sa pandaigdigang merkado dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa grupo, ang pagmahal ng produktong petrolyo ay nagdudulot ng dagdag-pasanin sa ekonomiya ng maraming bansa kabilang ang Pilipinas, kaya’t mahalagang magtipid at maging responsable sa paggamit ng limitadong yaman.

Ipinaliwanag ni EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, na dapat magtulungan ang mga opisyal ng simbahan, lokal na pamahalaan, at mga barangay upang makapagplano ng mas payak na pagdiriwang.

“Amid the spiraling fuel prices, we implore our church and local government leaders, including our barangay officials, to work with their constituents in planning for simpler celebrations to ensure that scarce resources are not wasted and are spent to meet the essential needs of vulnerable families,” ayon kay Tolentino.

Dagdag pa ni Tolentino, maaaring ilaan ang matitipid na pondo upang makatulong sa mga sektor na lubhang apektado ng oil price hike tulad ng transportasyon, pangingisda, at pagsasaka.
Kaugnay nito, ibinahagi ng EcoWaste Coalition ang ilang mungkahi para sa mas makakalikasan at matipid na pagdiriwang ng pista, tulad ng pag-iwas sa paggamit ng mga disposable na dekorasyon tulad ng banderitas at tarpaulin, pagbawas sa paggamit ng ilaw at paputok, paghahanda ng sapat na pagkain upang maiwasan ang food waste, at paggamit ng reusable na lalagyan sa pagkain at inumin.

Iminungkahi rin ng grupo ang pagbuo ng community pantry, pag-iwas sa labis na pag-inom ng alak, at pagpili ng mga larong hindi nangangailangan ng maraming materyales, tulad ng patintero, piko, at tumbang preso.

Ayon sa grupo, ang pagtitipid sa pista ay hindi lamang nakakatulong sa kapaligiran kundi nagbibigay-daan din upang maibahagi ang natipid na yaman sa mga nangangailangang kapwa sa komunidad.

“Keeping community celebrations simple will help in cutting the volume and toxicity of fiesta garbage, which is vital given the ongoing pollution crisis,” giit ni Tolentino.

Sa katuruan ng Simbahang Katolika, ang kasiyahan ay hindi nasusukat sa karangyaan, kundi sa pagbabahagi, pangangalaga sa kalikasan, at paglingap sa mga higit na nangangailangan.

Kasunod ito ng pagbibigay proteksyon sa mga matutukoy na vulnerable sector at pagtatatag ng mga matitibay na lokal na programa upang tugunan ang mga humanitarian aid initiative.

“Standardized approaches and procedures for humanitarian aid, Formation of Humanitarian Response Teams (at the Parish, Vicariate and diocese) and CMEAL (Community-led Monitoring Evaluation Accountability and Learning). Together, we continue building a more responsive, accountable, and compassionate humanitarian mission for our communities,” bahagi pa ng mensahe ng Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 42,731 total reads

 42,731 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 122,675 total reads

 122,675 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 156,122 total reads

 156,122 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,421 total reads

 191,421 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 416,331 total reads

 416,331 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,646 total reads

 156,646 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top