Pagbatikos ni US President Trump kay Pope Leo XIV, ikinabahala ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,690 total reads

Lubhang nababahala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa matinding pananalita at pahayag ng isang lider ng makapangyarihang bansa laban sa Santo Papa na ginagampanan lamang ang tungkulin bilang pastol.

Iginiit ng arsobispo na si Pope Leo XIV ay hindi isang personalidad na pampulitika kundi isang pastol na nagpapaalala sa mundo ng mahahalagang katotohanan tulad ng dignidad ng tao, kabanalan ng buhay, at panawagan sa kapayapaan.

“The Pope is, above all, a humble servant of God—one who carries the burden of reminding the world of truths that are often inconvenient, yet necessary: the dignity of every human person, the sacredness of life, and the urgent call to peace,” ayon sa pahayag ni Archbishop Uy.

Nilinaw ng arsobispo na ang pagsasalita ng punong pastol ng Simbahang Katolika ay nakabatay sa ebanghelyo na nagpapahayag ng kapayapaan.

“Pope Leo does not speak as a politician… The Church does not exist to compete for power, but to bear witness to truth,” dagdag ng arsobispo.

Binigyang-diin din ni Archbishop Uy na ang paninindigan ng Santo Papa ay hindi paghusga sa tao kundi pagtuligsa sa mga gawaing nagdudulot ng digmaan at kawalang-katarungan.

“When he raises his voice, it is not to condemn persons, but to challenge actions… that lead to suffering, injustice, and war,” giit ni Archbishop Uy.

Sinabi ng arsobispo na sa bawat sigalot at digmaan ay nagdurusa ang mamamayan lalo na ang mga inosenteng biktima tulad ng mga bata, matatanda, kababaihan, at mga kabilang sa mga mahihinang sektor ng lipunan.

Mariing nanindigan si Archbishop Uy sa kanyang suporta kay Pope Leo XIV sa kabila ng mga pambabatikos ni US President Donald Trump.

“I stand firmly with Pope Leo—not because of position or obligation, but out of conviction… a Church that… chooses peace even when the world chooses conflict,” paninindigan ni Archbishop Uy.

Giit ng arsobispo, higit ito sa usapin ng personalidad kundi sa direksyon ng sangkatauhan tungo sa landas ng katarungan, katotohanan, at kapayapaan.

Umaasa ang arsobispo na magbuklod ang sambayanan sa pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan.

“May we have the humility to listen—not only to the voices of authority, but to the voice of conscience. And may that conscience lead us always toward peace,” ayon pa sa arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,800 total reads

 28,800 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,739 total reads

 65,739 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,950 total reads

 83,950 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,278 total reads

 168,278 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,338 total reads

 204,338 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,909 total reads

 3,909 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top