Opisyal ng Quezon Province, hinimok ng mga Obispo na pigilan ang pagtatayo ng coal-fired power plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,265 total reads

Hinimok ng mga obispo ng Quezon Province ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan na talikuran ang paggamit ng coal at pigilan ang pagtatayo ng mga bagong coal-fired power plant sa lalawigan, lalo na sa bayan ng Atimonan.

Sa liham na ipinadala sa gobernador at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, iginiit nina Lucena Bishop Mel Rey Uy, Gumaca Bishop Euginius Cañete, at Infanta Bishop Dave Capucao, ang agarang pagkilos ng mga lider sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon sa mga obispo, ang patuloy na pag-asa sa fossil fuel ay nagdudulot ng panganib sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan, lalo na sa gitna ng pabago-bagong sitwasyon sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.

“As stewards of both public trust and God’s creation, everyone are collectively entrusted with the responsibility to act decisively in the face of the climate crisis, aggravated by the geopolitical conflict in the Middle East where Philippines’ deep fossil fuel-dependence jeopardizes the welfare of its consumers and the commons,” ayon sa pahayag.

Nagpahayag naman ng suporta ang Quezon for Environment (QUEEN) sa panawagan ng simbahan, at binigyang-diin ang pangangailangang pangalagaan ang mga komunidad, lalo na ang mahihirap at bulnerable.

Sinabi ni QUEEN Convenor, Fr. Warren Puno, hindi na dapat ipagpaliban ang paglipat sa malinis na enerhiya, at dapat itong maging pangunahing prayoridad ng pamahalaan at komunidad.

Ibinahagi naman ni Msgr. Emmanuel Villareal, isang paring taga-Atimonan, na matagal nang tinututulan ng mga residente ng Atimonan ang mga planong coal plant sa kanilang lugar, kasabay ng panawagan para sa mas malinis at ligtas na mapagkukunan ng enerhiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,095 total reads

 47,095 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,875 total reads

 126,875 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,322 total reads

 160,322 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,620 total reads

 195,620 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,346 total reads

 420,346 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,807 total reads

 156,807 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top