MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,211 total reads

Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza 2 noong April 10, 2026.

Ayon sa MEF, nakababahala ang insidente lalo’t idineklara nang hindi operational ang landfill mula pa noong August 2025, ngunit patuloy pa ring nagdulot ng panganib sa kalusugan ng mga residente dahil sa makapal at nakalalasong usok na kumalat sa mga karatig na lugar at sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ipinaliwanag ng Mother Earth Foundation na ang pagsusunog ng basura, lalo na ng plastik at halo-halong materyales, ay naglalabas ng mapanganib na kemikal tulad ng dioxins at fine particulate matter na maaaring magdulot ng malubhang sakit at pangmatagalang pinsala sa kapaligiran.

“These toxins pose serious risks to public health, particularly for children, the elderly, and vulnerable communities. And as persistent organic pollutants, they threaten to contaminate the surrounding soil and water long after the flames are extinguished,” pahayag ng MEF.

Binigyang-diin din ng grupo na ang insidente ay sumasalamin sa kabiguan sa maayos na pamamahala ng basura at nag-aambag pa sa climate crisis dahil sa pagbuga ng methane at iba pang greenhouse gases mula sa mga landfill.

Iniulat din ng MEF ang kakulangan ng Philippine Ecology Systems Corporation sa maayos na pagsasara ng pasilidad, kung saan may mga naiwang hindi natapos na proseso kaya’t nanatiling bukas at mapanganib ang tambakan ng basura.

Dahil dito, iginiit ng Mother Earth Foundation ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at Clean Air Act, at papanagutin ang mga may responsibilidad sa insidente.

“This is a clear wake-up call to move beyond landfill dependence and fast-track the shift to – and investment in -zero waste systems,” giit ng MEF.

Hinikayat ng grupo ang pamahalaan at publiko na pabilisin ang pagpapatupad ng waste reduction sa pinagmumulan, mahigpit na segregasyon, at pagpapalakas ng Materials Recovery Facilities at recycling tungo sa maayos na sistema ng pamamahala ng basura.

“Change is possible when we act together. Let us demand better systems, support community solutions, and push for a future built on zero waste,” saad ng MEF.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ ang kahalagahan ng pagbawas sa paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mapigilan ang pagdami ng basurang nakasisira sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,725 total reads

 32,725 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,458 total reads

 83,458 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,329 total reads

 131,329 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,277 total reads

 235,277 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,709 total reads

 319,709 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,863 total reads

 165,863 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top