Pagturing kay Hesus na “good luck charm”, isang baluktot na pananampalataya-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,969 total reads

Binibigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang tunay na pananampalataya kay Kristo ay hindi dapat nakabatay sa pansariling pakinabang kundi sa pag-ibig at pagsunod.

Sa kanyang homiliya sa isinagawang banal na misa sa Esplanade of Saurimo nitong April 20 na bahagi ng kanyang Apostolic Journey, sinabi ng Santo Papa na mahalagang suriin ng bawat mananampalataya ang tunay na dahilan ng paghahanap kay Hesus.

“The Lord looks into our heart and asks us whether we seek him out of gratitude or for our own self-interest, with calculation or with love,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng pastol na nagiging baluktot ang pananampalataya kapag si Kristo ay itinuturing lamang bilang tagapagbigay ng biyaya o “good luck charm,” sa halip na Panginoon na dapat sundan at tularan.

“Christ calls us to freedom: he does not want servants or clients, rather he seeks brothers and sisters,” aniya.

Hinimok din ng Santo Papa ang mga mananampalataya na hanapin ang mas mataas na layunin ng buhay espirituwal na tumutukoy sa mas malalim na kahulugan ng Eukaristiya bilang tinapay ng buhay na walang hanggan.

“Do not work for the food that perishes, but for the food that endures for eternal life,” ani ng Santo Papa.

Sa gitna ng umiiral na kawalang-katarungan at kahirapan sa mundo, iginiit ni Pope Leo XIV na patuloy na kumikilos si Kristo upang itaas ang tao mula sa pagdurusa.

“Christ lives! He is our Redeemer… This is the faith that saves life!” giit ng punong pastol.
Dagdag pa ni Pope Leo na ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay hindi lamang panghinaharap kundi nararanasan sa araw-araw at nananagawang isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang kahalagahan ng sama-samang paglalakbay ng Simbahan bilang “synod of resurrection and hope,” kung saan ang pananampalataya ay naipapakita hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Apela ni Pope Leo XIV sa sambayanan ng Angola na manatiling tapat sa kanilang pananampalatayang Kristiyano.

“Remain faithful to your Christian roots… [so you may] contribute… to the building up of justice and peace,” ani Pope Leo XIV.

Nilinaw ng pinuno ng mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo sa kanyang mensahe na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng pusong malaya sa pansariling interes, bukas sa pag-ibig, at handang maglingkod para sa kapwa at sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,888 total reads

 43,888 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,862 total reads

 93,862 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,733 total reads

 141,733 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,682 total reads

 245,682 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,543 total reads

 329,543 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top