BIR sealed box, hindi na bubuksan ng house panel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,986 total reads

Hati ang House Justice Commitee na buksan ang selyadong kahon na naglalaman ng mga dokumento ng income tax return ni Vice President Sara Duterte at asawa niyang si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Rep. Laurence Defensor at ML Partylist Representative Leila de Lima, marapat na buksan ang kahon upang masuri at matukoy ang katotohanan at maikumpura sa naging ulat ng Anti-Money Laundering Council.

Ayon pa kay Defensor, ang nilalaman ng selyading kahon ay maaring magpatibay ng probable cause ng impeachment case ng Bise Presidente o pumabor sa panig ng Bise Presidente.

Sa panig naman ni Manila Rep Bienvenido Abante, kinakailangan ang prudence o tamang pagpapsya ng komite lalu’t si Atty. Carpio ay isang pribadong indibidwal na dapat kilalanin ang right to privacy.

Giit pa ni Abante, hayaan na lamang ang paglilitis sa Senado upang maisiwalat ang nilalaman ng kahon.

Ang dokumento ay una na ring pina-subpoena ng justice panel, kaugnay sa pagpapatuloy ng impeachment proceeding laban sa Pangalawang Pangulo.

Sa ginawang botohan, 6 ang pumabor na buksan ang kahon, habang 38 naman ang hindi naman sumang-ayon.

Pinagtibay naman ng komite na mananatili ang ‘sealed box’ sa kustodiya ng Kamara.

Kabilang sa dumalo sa huling araw ng pagdinig ng Kamara sina Atty. Melvin Matibag – Director, National Bureau of Investigation (NBI); at Agent John Mark Calilung, Cybercrime Division, NBI.

Gayundin ang mga kinatawan ng
Saballa et al complaint na sina Atty. Amando Ligutan, Atty. Stephen Magallo -bilang mga counsels at complainants na sina Fr. Joel Saballa, Fr. Rogelio Rosario, MJ, Sr. Geraldine Denoga D.C., Ms. Pinky Tam at Fr. Joselito Sarabia, CM.

Bukod sa usapin ng pagbubukas ng kahon, partikular na tinalakay sa huling araw ng impeachment proceedings ang sinasabing ‘kill plot’ ni VP Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,133 total reads

 3,133 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 12,709 total reads

 12,709 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 53,839 total reads

 53,839 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 87,966 total reads

 87,966 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 144,372 total reads

 144,372 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 27,189 total reads

 27,189 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top