‘Probable cause’ sa impeachment case ni VP Sara, hakbang tungo sa pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total views

Kinilala ng Priest complainant ng impeachment ni Vice President Sara Duterte, ang pasya ng House Committee on Justice na i-deklarang mayroong probable cause o sapat na batayan ang mga inihaing reklamo laban sa opisyal ng pamahalaan.

Binigyan-diin ni Fr. Joel Saballa-isa sa complainant ng dalawang impeachment case na tiwala siya sa mandato ng Kamara sa pagproseso sa reklmao matapos ang ‘unanimous decision’ ng mga kasapi ng kumite.

“Kasi simula noong tayo ay nag-file, tayo po ay patuloy na naniniwala sa proseso nitong constitutional duty ng Kamara. Kaya nga ‘yung ‘form’ ay nakuha natin ang kanilang pagsang-ayon, ‘yung ‘substance’ ay nakuha natin ang pagsang-ayon, at ngayon ay unanimous decision na mayroon tayong tinatawag nilang probable cause,” ayon sa pahayag ni Fr. Saballa sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit ng pari na siya ring nagsisilbing convenor ng Clergy for Good Governance na mahalaga ang pagdedeklara ng probable cause upang mabigyan pa rin ng pagkakataon si Duterte na tumugon sa mga alegasyon sa wasto at legal na pamamaraan, kasabay ng paghihimok na iwasan ng Bise Presidente ang pagsagot sa pamamagitan ng press conference dahil ito ay hindi sinusumpaang salaysay.

“Nakalulungkot lang kasi sumasagot siya sa press conference. Wala kasi ‘yun under oath, at hindi ito masasagot ‘yung katanungang legal. Kaya’t umaasa tayo sa panibagong yugto nitong unanimous decion ng House Committee on Justice ay umaasa tayo na makakuha pa tayo ng tamang sagot sa Pangalawang Pangulo sa legal na proseso,” dagdag pa ng Pari.

Umaasa naman si Fr. Saballa na bumoto ang mga kongresista batay sa kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon at hindi sa political pressure dahil sa inaasahang pagtakbo ni Vice-President Duterte sa pagka-Pangulo sa 2028 Presidential Elections.

Nanindigan din ang Pari na bilang opisyal ng simbahan na ang paghahain ng reklamo ay bilang moral na responsibilidad at ang pagbabantay ay hindi lamang para sa Bise-Presidente kundi para sa lahat ng opisyal na maaring sumailalim sa impeachment trial at panagutin sa batas.

“Ako bilang Pari, naniniwala ako sa moral na responsibilidad namin, kaya nga po tayo tumindig kasama ang iba pang mga Pari, mga pastor, at mga madre, at mga layko, at civil society [group] na mayroon po talagang batayan na kailangan po i-impeach ang Pangalawang Pangulo dahil sa pagmamalabis sa paggamit ng kapangyarihan, sa pagwawaldas ng kabang-yaman so nakikita natin na this is a moral responsibility,” depensa ni Fr. Saballa.

Sa pamamagitan ng unanimous vote, o katumbas ng 53-pabor na walang pagtutol at abstentions ay pormal nang idineklara ng House Justice Committee na mayroong sapat na batayan ang mga inihaing impeachment complaint laban kay VP Duterte, kabilang na ang reklamong inihain ng kampo nina Fr. Saballa.

Matapos pagbotohan ng kumite, sinuspinde ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro- chairperson ng kumite, ang sesyon hanggang sa ika-4 ng Mayo kung saan inaasahan nang pag-iisahin ng Justice Committee ang dalawang reklamo upang isumite sa plenaryo, bago ang pagtalakay na itinakda naman sa ika-11 ng Mayo.

Corbilla, Kenneth. “Probable cause’ sa impeachment case ni VP Sara, hakbang tungo sa pananagutan”, 30 April 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 29,719 total views

 29,719 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 54,035 total views

 54,035 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 89,825 total views

 89,825 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 131,104 total views

 131,104 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 182,418 total views

 182,418 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top