National director ng Tarcisians, itinalaga ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,517 total reads

Itinalaga ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Fr. Sanny De Claro bilang Spiritual Director ng Adoration Nocturna Filipina Regional Council of the Ecclesiastical Province of Manila at bilang National Director ng Tarcisians.

Ang pagtatalaga ay batay sa rekomendasyon ng National Council ng Adoration Nocturna Filipina, bilang pagkilala sa pastoral na sigasig at dedikasyon ng pari sa paglilingkod.

Kabilang sa tungkulin ni Fr. De Claro ang pangunguna sa espirituwal na paghubog ng mga miyembro at pagpapalalim ng debosyon sa Banal na Eukaristiya, gayundin ang pagpapatibay ng misyon ng Eucharistic adoration sa mga samahan.

Epektibo ang appointment kay Fr. De Claro noong May 1, 2026.

Ang Adoración Nocturna Filipina (ANF) ay isang samahan ng mga laykong Katoliko na nakatuon sa gabi-gabing pagdarasal at pagsamba sa Banal na Sakramento.

Nagsimula ang tradisyon na itinatag noong ika-19 na siglo sa Europa bilang tugon sa panawagan ng Simbahan para sa mas malalim na debosyon sa Eukaristiya.

Ito ang tugon ng mga Kristiyano sa malalim na inspirasyong pinakikinggan ng Panginoon ang sinumang nananalangin at nagtatanod sa banal na sakramento upang makabalik sa Roma si noo’y Pope Pius VII na binihag ni Napoleon Bonaparte sa France noong 1814.

October 10, 1920, pormal na naitatag ang ANF sa bansa sa St. Ignatius Church sa Intramuros, Manila, at mabilis na lumaganap sa iba’t ibang diyosesis bilang samahang nagtataguyod ng taimtim na panalangin, pagbabantay sa gabi, at pag-aalay ng sarili para sa Simbahan at lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 29,173 total reads

 29,173 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 61,319 total reads

 61,319 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 127,374 total reads

 127,374 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 146,677 total reads

 146,677 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 223,505 total reads

 223,505 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top