Pagtigil ng red-tagging, panawagan ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,747 total reads

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) ng agarang hakbang upang tuluyang wakasan ang red-tagging at maprotektahan ang mga human rights defenders sa bansa.

Ang panawagang ito ng Komisyon ng Karapatang Pantao ay batay sa resulta ng National Inquiry ng komisyon noong 2025 hinggil sa kalagayan ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon sa CHR, nananatiling laganap ang red-tagging na patuloy na pagbabansag sa mga indibidwal at grupo bilang “komunista,” “terorista,” o “kaaway ng estado,” kahit walang sapat na proseso o ebidensya.

“The Commission on Human Rights (CHR) reiterates its call to eliminate the practice of red-tagging and urges all branches of government to take urgent action to protect fundamental freedoms in the country. The CHR’s findings and recommendations are drawn from the National Inquiry on the Current Situation of Human Rights Defenders in the Philippines with a Focus on Incidents of Red-Tagging conducted in 2025.” Bahagi ng pahayag ng CHR.

Binigyang-diin din ng CHR na ang ganitong gawain ay naglalagay sa mga mamamahayag, abogado, estudyante, manggagawa, katutubo, at iba pang sektor sa panganib ng pagbabanta, pananakot, at karahasan.

Dagdag pa ng komisyon, naaapektuhan din nito ang mga pangunahing karapatan ng isang indibiwal tulad ng buhay, kalayaan, seguridad, at malayang pagpapahayag.

“The CHR underscores that red-tagging is not a harmless label. It creates a real and well-founded risk of harm. It exposes individuals to threats, harassment, and violence, and may serve as a precursor to grave human rights violations, including arbitrary detention, enforced disappearances, and extrajudicial killings.” Dagdag pa ng CHR.

Nanawagan din ang CHR sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magsagawa ng magkakaugnay na hakbang upang tugunan ang usapin.

Hinimok din ng komisyon ang ehekutibo na magpatupad ng malinaw na polisiya laban sa red-tagging, ang lehislatura na magpasa ng batas na magpaparusa rito, at ang hudikatura na palakasin ang mga mekanismo ng proteksyon tulad ng writ of amparo at habeas data.

Iginiit din ng CHR na ang pagtugon sa mga banta sa seguridad ay dapat manatiling nakabatay sa paggalang sa karapatang pantao at hindi isakripisyo ang mga batayang kalayaan.

“The Commission stresses that efforts to address security threats must remain anchored in human rights. Counter-insurgency and counter-terrorism measures must not come at the expense of fundamental freedoms.” Ayon pa sa CHR.

Sa bahagi ng Simbahan nasasaad sa Pacem in Terris ni Pope John the 23rd, na mahalaga sa pagkakaroon ng isang maayos na lipunan ang pagkilala at pagsasabuhay sa dignidad at mga karapatan ng bawat isa sa lipunan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 2,922 total reads

 2,922 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 12,826 total reads

 12,826 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 85,168 total reads

 85,168 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 171,669 total reads

 171,669 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 214,703 total reads

 214,703 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 263,870 total reads

 263,870 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 2,924 total reads

 2,924 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top