Boracay Ati Tribal Organization, nagpasaklolo kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,841 total reads

Umapela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Boracay Ati Tribal Organization o BATO kaugnay sa kinakaharap nilang sigalot sa lupa sa Boracay.

Hiniling ng grupo na muling suriin ang pagkansela sa kanilang mga Certificate of Land Ownership Award o CLOA.

Ayon kay Jocelyn Evangelio, Indigenous Peoples Mandatory Representative ng grupo, walang katotohanan ang alegasyon na hindi maaaring taniman ang lupang iginawad sa mga katutubo, kaya’t hiniling nito sa pangulo na personal na tingnan ang kanilang kalagayan sa isla.

“Sana po mapansin ng presidente at makita at mabasa ang aming sulat at sana tulungan niya rin po kami sa aming laban na may dangal,” pahayag ni Evangelio sa Radyo Veritas.

Una nang nagpasa ng Resolution No. 567-2026 ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na humihiling sa Office of the President na suriin ang kalagayan ng mga benepisyaryo ng CLOA sa Boracay at ang kinakaharap nilang alitan sa lupa.

Nanindigan si Evangelio na mapakikinabangan sa agrikultura ang lupang iginawad sa mga katutubo dahil kasalukuyan itong tinataniman sa kabila ng mga hamong kinakaharap.

“Para sa amin, ang lupa ay buhay; walang imposible na hindi magtubo yung mga pananim,” dagdag ni Evangelio.

Ayon naman kay Delsa Justo, tribal leader ng BATO, matagal nang naninirahan ang mga Ati sa isla bago pa ito naging sentro ng turismo sa bansa.

Iginiit ni Justo na malaking tulong sa kanilang kabuhayan ang lupang naibigay sa kanila dahil dito sila kumukuha ng pagkain at kabuhayan.

“Marami na ngayong mga bisita dito, turista, kaya naipit ang mga Ati… Kahit na daanan kami ng COVID, daanan kami ng na-close ang Boracay, wala kaming problema,” giit ni Justo.

Taong 2018 nang igawad ng Department of Agrarian Reform o DAR, sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP, ang limang CLOA sa 45 pamilyang Ati sa isla sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong 2024 naman, pinawalang-bisa ng DAR ang mga CLOA matapos lumabas sa soil analysis na hindi na umano tugma sa agricultural use ang mga lupa.

Ayon sa komunidad, ikinalungkot nila ang pagbawi ng pamahalaan sa lupa lalo’t pinagyaman nila ito sa pamamagitan ng pagtatanim.

Kinuwestiyon naman ni Maria Tamboon, livelihood coordinator ng grupo, ang naging pahayag ng DAR at iginiit na produktibo ang mga lupang naibigay sa kanila, kabilang ang dragon fruit farm na kanilang pinauunlad.

“Yung lupa po sa ngayon hindi po nila masasabi na hindi yun suitable na mataniman, kundi lahat po ay maganda talagang taniman,” giit ni Tamboon.

Aniya, taliwas sa ipinangakong magandang buhay ng pamahalaan ang kanilang nararanasan sa kasalukuyan, lalo na ang pangako sa mga magsasaka na tulungang mapalakas ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Nanawagan din si Tamboon kay Pangulong Marcos na personal na bisitahin ang kanilang komunidad sa Boracay.

“Sana ay makapunta ka rin dito sa amin para makita mo rin po kung ano talaga ang mga nangyari dito sa amin sa Boracay,” ani Tamboon.

Suportado naman ng lokal na simbahan ang panawagan ng mga Ati hinggil sa lupa.

Ayon kay Fr. Francis Bolivar, kura paroko ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay, lehitimong iginawad ng pamahalaan sa mga katutubo ang CLOA, kaya’t may karapatan silang gamitin at pagyamanin ang lupa.

“We support them kung ano yung mga laban ng mga Ati. Sila yung may title sa lupa. Kaya dapat sila yung gagamit ng lupa,” ayon kay Fr. Bolivar.

Kamakailan ay naghain ng kaso ang mga katutubong Ati laban sa JECO Development Corporation dahil sa paglalagay ng barikada at mga guwardiya sa mga lupang sakop ng CLOA.

Hinihintay ngayon ng komunidad ng Ati ang magiging tugon ng Malacañang habang umaasa silang maipagpapatuloy ang kanilang pamumuhay, pagsasaka at pananatili sa lupang matagal na nilang ipinaglalaban.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 609 total reads

 609 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 8,996 total reads

 8,996 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 81,631 total reads

 81,631 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 168,130 total reads

 168,130 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 211,166 total reads

 211,166 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 260,495 total reads

 260,495 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top