Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 153,955 total views

Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente? 

Dito sa Metro Manila at mga karatig probinsya na sineserbisyuhan ng Meralco, maraming konsumer ang nabulagâ sa mataas na singil sa kuryente nitong Abril. “Bill shock,” ‘ika nga. Inaasahan naman na ang paglaki ng konsumo ngayong tag-init dahil mas matagal na nakabukás ang mga electric fan at aircon. Pero may mga konsumer na nagsabing ganito rin naman ang konsumo nila ng kuryente noong isang taon, pero sadyang malaki ang singil sa kanila sa parehong panahon ngayong taon. 

Paliwanag naman ng Meralco, ang pagtaas ng bill ngayong buwan ay dulot ng mas mataas na generation charge. Ang generation charge ay ang binabayaran natin para sa aktwal na produksyon ng kuryente at ang halaga ng pagbili ng mga power distributors, katulad ng Meralco, mula sa mga power generators. May epekto rin ang paghina ng piso laban sa dolyar. Dagdag pa ng Meralco, hindi pa sinasalamin ng pagtaas ng singil sa kuryente ang nagpapatuloy na krisis sa langis dahil na rin sa sigalot sa Middle East. Ibig sabihin ba nito, mas tataas pa ang singil ngayong Mayo?

Para sa Center for Energy, Ecology, and Development (o CEED), nakaugat ang problemang ito sa mga patakarang ipinapasa ang dagdag-gastos ng mga power generators sa mga ordinaryong konsumer. Matatagpuan ito sa mga tinatawag na pass-through provisions sa mga power agreements o kasunduan ng mga korporasyon sa gobyerno. Halimbawa, kung tataas ang presyo ng panggatong na ginagamit para lumikha ng kuryente, hindi ito ituturing ng mga kompanya na risk o panganib na dapat nilang paghandaan bilang mga negosyo. Sa halip, ipapasa nila ito sa mga konsumer. Nananatili ang kita ng mga korporasyon habang butás naman ang bulsa ng mga nakadepende sa kuryenteng nililikha at ibinebenta nila. 

Makatarungan ba ito sa inyong tingin, mga Kapanalig?

Paglilinaw naman ng Meralco, wala itong magagawa sa mga dagdag-singil sa kuryente. Tagakolekta lang daw ito ng mga bayaring ipinapataw ng gobyerno at ng mga pass-through costs. Hindi nga raw ito nagtataas ng singil para sa distribution nito ng kuryente mula pa noong 2022. Ang mga nakokolekta ng Meralco dahil sa mga pass-through provisions na ito ay ibinabayad naman daw sa mga power suppliers, mga grid operators, at sa gobyerno bilang buwis. Hindi raw kumikita ang Meralco sa mga ito, pero hindi rin naman sinasabi ng kompanya kung patas ang mga pass-through costs. Tila inihihiwalay ng Meralco ang sarili nito sa responsabilidad para sa mataas na bill sa kuryente. 

Matagal nang binubusisi ng mga grupong katulad ng CEED ang mga patakaran sa sektor ng enerhiya na mas pinapaboran ang mga korporasyon kaysa sa mga konsumer. Giit nila, kumikita ang mga kompanya sa pagnenegosyo ng kuryente, pero kapag panahon ng krisis, sa mga konsumer nila ipinapasa ang pasanin ng dagdag-gastos. Bagamat itinatakda ng batas ang mga pass-through provisions, hindi ibig sabihin na makatarungan ang mga ito. Parang ganito ang ipinahihiwatig sa 1 Corinto 10:23: malaya tayong gawin ang anuman at gawin itong ligal, pero hindi lahat ay nakabubuti, hindi lahat ay nakatutulong.

Sinasabi rin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na ang mga batas ng tao ay dapat na nakatuon sa pagsusulong ng tunay na mabuti. Kung negatibo ang dulot ng isang batas, dapat lang na kuwestyunin ito. Hindi natin maaasahan ang mga kompanyang tanging ang pagkita ang prayoridad na manguna sa pagtatanggol sa mga konsumer. 

Mga Kapanalig, hawak natin ang bill, pero hawak din natin ang kapangyarihang magtanong, mag-usisa, at humingi ng paliwanag sa gobyerno at mga kumikita sa serbisyong dapat lamang nating makamit bilang mga mamamayan. 

Sumainyo ang katotohanan!

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 657 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 765 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 53,617 total views

 53,617 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 125,028 total views

 125,028 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 156,310 total views

 156,310 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 188,326 total views

 188,326 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 337,746 total views

 337,746 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 53,618 total views

 53,618 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 125,029 total views

 125,029 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 156,311 total views

 156,311 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 188,327 total views

 188,327 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top