Yakapin at isabuhay ang mensahe ng Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,137 total reads

Magbalik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng paggabay ng Mahal na Birheng Maria at paghariin ang kapayapaan sa puso ng bawat isa.

Ito ang mensahe nina Archdiocese of Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona at National Shrine of Our Lady of Fatima sa Diocese of Malolos Parochial Vicar Father Jan Brian Samson sa pagdiriwang ngayong araw ng ika-109 pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima, Portugal.

Ayon kay Archbishop Tirona, mahalagang gunitain ng mga mananampalataya ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima na manalangin, magbalik-loob sa Panginoon at mamuhay nang may sakripisyo bunga ng pagmamahal sa Diyos at kapwa.

Hinimok rin ng Arsobispo ang mamamayan na ipanalangin ang paghahari ng kapayapaan, katarungan at integridad ng mga namumuno sa gitna ng kaguluhan at kadiliman sa mundo habang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo.

“Sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima, muli nating gunitain ang kanyang pagpapakita 109 years ago na may mensaheng manalangin tayo, magbalik-loob sa Panginoon, at mamuhay nang puno ng sakripisyo bunga ng pagmamahal natin sa Diyos at sa kapwa. Sa ating panahon ng kaguluhan, kadiliman, hilingin natin sa Mahal na Birhen na tulungan tayong maghari ang kapayapaan ang katarungan, at higit sa lahat, integridad ng ating mga namumuno. Kaya lumapit tayo sa Mahal na Birhen, magdasal tayo ng Rosaryo, sapagkat sa pamamagitan ng Banal na Rosaryo, ginugunita natin ang kasaysayan ng ating kaligtasan. Viva la Birhen, mabuhay Our Lady of Fatima. God bless you all,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Archbishop Tirona.

Ipinaalala ni Fr. Samson na mahalagang yakapin at isabuhay ng mga mananampalataya ang mensahe ng Mahal na Birhen ng pagbabalik-loob, pagsasakripisyo, mataimtim na panalangin at pagtitiwala sa Panginoong Hesus Kristo.

Sinabi ng pari na ang panawagan ng Mahal na Birhen ng Fatima noon ay nananatiling mahalaga hanggang sa kasalukuyan lalo na ang pananalangin para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Rosaryo at pagninilay sa misteryo ng buhay ni Hesus.

“Atin pong yakapin at isabuhay ang mensahe ng Mahal na Birhen ng pagbabalik-loob, pagsasakripisyo at mataimtim na panalangin at pagtitiwala sa ating Panginoong Hesus Cristo. Happy Fiesta po sa inyong lahat. Kagaya po noong 109 years ago na mensahe ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan, ito rin po ang panawagan ng Mahal na Birhen at ng Panginoon sa atin, ang manalangin para po sa kapayapaan. Specifically, ang ibinigay ng Mahal na Birhen sa atin, lalo doon sa tatlong bata sa Fatima, ay pagdarasal ng Rosaryo. Sana mapagnilayan natin sa pagdarasal ng Rosaryo,ang misteryo ng Panginoong Hesus Cristo at ang Kanyang panawagan para sa kapayapaan.”

Sa huli, umaasa ang mga Pastol ng simbahan na magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima upang higit na mapalalim ng bawat mananampalataya ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos at kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,385 total reads

 54,385 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 150,915 total reads

 150,915 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,184 total reads

 195,184 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,293 total reads

 218,293 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 290,997 total reads

 290,997 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,742 total reads

 28,742 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top