Bishop Galbines, itinalagang Obispo ng Bacolod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,227 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Bishop Louie Galbines bilang bagong obispo ng Diyosesis ng Bacolod kahalili ni Bishop Patricio Buzon na nagretiro matapos umabot sa itinakdang edad para sa mga obispo.

Sa edad na 59, muling babalik si Bishop Galbines sa diyosesis kung saan siya isinilang, naordinahan bilang pari, at naglingkod sa iba’t ibang mahalagang tungkulin bago naging obispo ng Kabankalan noong 2018.

Nagpasalamat ang lokal na simbahan ng Bacolod kay Bishop Buzon, na halos sampung taong namuno sa Bacolod at mahigit dalawang dekadang paglilingkod bilang obispo.

Ipinanganak si Bishop Galbines sa Sagay City, Negros Occidental noong 1966 at nagtapos ng pag-aaral sa pilosopiya at teolohiya sa University of Santo Tomas Central Seminary bago maordinahan bilang pari para sa Bacolod noong 1994.

Nagsilbi rin siya bilang rector ng Sacred Heart Seminary, vicar general ng Bacolod, at nagpatuloy ng mas mataas na pag-aaral sa Roma kung saan nagtamo ng doctorate sa sacred theology.

Taong 2018 nang italaga siya ni Pope Francis bilang obispo ng Kabankalan at inordinahan sa San Sebastian Cathedral sa Bacolod City noong May 28 ng nasabing taon.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 45,166 total reads

 45,166 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 89,935 total reads

 89,935 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 210,514 total reads

 210,514 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 260,871 total reads

 260,871 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 386,508 total reads

 386,508 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top