Malawakang pagputol ng punongkahoy sa Quirino avenue, kinondena ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total views

Mariing kinondena ng Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) ang malawakang pagputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue, San Marcelino Street, at mga karatig lugar para sa Southern Access Link Expressway (SALEX) project sa Maynila.

Ayon sa grupo, mahigit 600 puno ang saklaw ng permit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang hindi bababa sa 225 puno na ang naputol dahilan upang maging lantad sa matinding init ang dating mayabong na urban corridor sa lungsod.

Iginiit ni PMPI National Coordinator Yolanda Esguerra, na bagamat may permit ang proyekto, hindi ito nangangahulugan ng “ecological justice” dahil mahalagang bahagi ng urban ecosystem ang mga matatandang puno na nagsisilbing proteksyon laban sa matinding init, polusyon, at pagbaha.

“What is happening along Quirino Avenue is not just tree cutting—it is the systematic erasure of living urban ecosystems. When we destroy mature trees in the middle of a climate crisis, and we know that this will result in long-lasting impacts to the community and people, we are committing harm that borders on ecocide,” pahayag ni Esguerra.

Binigyang-diin din ng PMPI na lumalabag ang malawakang pagputol ng puno sa “Rights of Nature” na kinikilala sa ilalim ng Republic Act No. 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act na nagbibigay-halaga sa kalikasan higit pa sa pakinabang nito sa tao.

Nanawagan ang grupo sa DENR at pamahalaang lungsod ng Maynila na maging transparent sa environmental basis at approval process ng proyekto, magsagawa ng independent ecological review, at magpatupad ng science-based urban ecological restoration plan.

“The Rights of Nature demands that we treat these trees not as obstacles to development, but as vital members of our urban community whose well-being is tied to our own,” giit ni Esguerra.

Naninindigan ang PMPI na hindi dapat isakripisyo ang ecological stability kapalit ng imprastraktura at panandaliang kaginhawaan lalo na sa gitna ng lumalalang krisis sa klima sa Metro Manila.

Nauna nang kinondena ng Caritas Philippines ang malawakang pagputol sa mga puno at nanawagan sa mga kinauukulan na pagnilayang mabuti ang mga desisyong may malaking epekto sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 14,465 total views

 14,465 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 35,446 total views

 35,446 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 57,874 total views

 57,874 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 231,553 total views

 231,553 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 208,258 total views

 208,258 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top