Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,526 total views

Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan pinuri ng grupo ang matibay na paninindigan ng Santo Papa para sa katarungang panlipunan, dignidad ng tao, at responsableng paggamit ng artificial intelligence o AI.

Ayon sa SCMP, malinaw na ipinagpapatuloy ni Pope Leo XIV ang panlipunang katuruan ng Simbahan na isinulong nina Pope Leo XIII at Pope Francis sa pamamagitan ng pagtugon sa mga “signs of the times” batay sa Ebanghelyo at pagtatanggol sa dignidad ng tao.

Binigyang-diin din ng grupo ang bahagi ng encyclical na tumatalakay sa AI, kung saan sinabi ng Santo Papa na hindi neutral ang teknolohiya kundi naaapektuhan ng kapangyarihang pang-ekonomiya at interes ng malalaking pribadong kumpanya.

Pinuri rin ng SCMP ang panawagan ng Santo Papa na protektahan ang karapatan at dignidad ng mga manggagawa, at tiyakin na hindi nauuwi sa pagsasamantala at pagkakait ng makataong kondisyon sa paggawa ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

“The Student Christian Movement of the Philippines is elated with the release of Pope Leo XIV’s first encyclical, entitled Magnifica humanitas or Humanity in its grandeur, published on May 25, 2026. Retelling the journey of the church’s social doctrine throughout history is a renewed commitment to social justice, an intrinsic thrust that the year-old Pontificate aims to continue to emulate. Pope Leo XIV draws heavily from both Pope Leo XIII and Pope Francis in the dedication to read and act upon the ‘signs of the times’ in light of the Gospel, with the church seen as part of society.” Bahagi ng pahayag ng SCMP.

Ipinahayag din ng grupo ang pagsuporta sa panawagan ni Pope Leo XIV na “disarmahan” ang AI mula sa paggamit nito sa digmaan, disinformation, at iba pang mapanirang layunin.

Kaugnay nito, binigyang-pansin din ng SCMP sa limang pahinang pahayag nito na may titulong “ON POPE LEO XIV’S FIRST ENCYCLICAL MAGNIFICA HUMANITAS Reflections, Reaffirmations, and Responsibilities” ang panawagan ng Santo Papa para sa mas makatarungan at makataong sistema ng edukasyon, partikular sa harap ng mga suliranin sa access at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ayon pa sa grupo, mahalagang isabuhay ng mga Kristiyano ang diwa ng pagkakaisa, pakikipagkapwa, at pagtatanggol sa karapatang pantao lalo na ng mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Hinimok naman ng SCMP ang mga kabataang Kristiyano na huwag manatili sa pagbabasa lamang ng encyclical kundi aktibong makibahagi sa pagsusulong ng katarungan, kapayapaan, at tunay na pagbabago sa lipunan bilang konkretong pagsasabuhay ng “Magnifica Humanitas.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,299 total views

 195,299 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,522 total views

 225,522 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 252,167 total views

 252,167 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 347,140 total views

 347,140 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,523 total views

 355,523 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top