358 total views
Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa korapsyon at accountability na kinahaharap ng ilang opisyal ng pamahalaan kabilang ang mga senador at pangalawang pangulo ng bansa.
Sa inilabas na pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP Episcopal Commission on Inter-Religious Dialogue at lead convenor ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation, binigyang-diin ng Obispo na walang sinuman ang dapat maging higit sa pananagutan sa ilalim batas, anuman ang posisyon, impluwensya, o kinabibilangang partido politikal.
“Accountability must apply to all — regardless of political affiliation, social status, popularity, or position in government. Public office is a public trust. Those entrusted with greater power, authority, and influence carry an even higher moral and legal responsibility before the people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Nanawagan din si Bishop Bagaforo sa mga institusyong may mandatong pairalin ang katarungan at pananagutan, partikular na ang Office of the Ombudsman at Sandiganbayan na ipagpatuloy ang masusing pag-usig sa mga kasong may sapat na batayan sa ilalim ng batas.
Ayon sa Obispo, nawawalan ng saysay ang rule of law kung may exemption para sa makapangyarihan at may koneksyon sa pulitika.
Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo na hindi dapat maging selective ang pananagutan at hindi maaaring nakabatay lamang sa political convenience ang pagpapatupad ng hustisya lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa korapsyon, kapabayaan sa tungkulin, at pag-abuso sa kapangyarihan.
“We therefore reiterate our call to all institutions mandated to uphold justice and accountability — including the Ombudsman, the Sandiganbayan, and other accountability mechanisms of government — to relentlessly pursue all cases where there is probable cause and sufficient basis under the law. The rule of law loses its meaning when exemptions are made for the powerful, the influential, or the politically connected.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Kaugnay nito, inihayag ng Obispo na mahalaga ang muling pagbubuo ng Bishops-Legislators’ Forum on Integral Human Development upang maisulong ang moral reflection, ethical leadership, at sama-samang pagkilos ng Simbahan, pamahalaan, civil society, at mamamayan para sa mabuting pamamahala.
“This is also the spirit behind the recently reconvened Bishops-Legislators’ Forum on Integral Human Development, which seeks to elevate the level of public service and governance through accompaniment, dialogue, discernment, and collective action among all sectors — government, the Church, civil society, and the Filipino people. At a time when public cynicism toward institutions continues to deepen, initiatives that encourage moral reflection, ethical leadership, and shared responsibility in governance become even more necessary.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Nanawagan rin si Bishop Bagaforo sa mamamayan na manatiling mapagmatyag at aktibong makibahagi sa pagsusulong ng integridad at transparency sa serbisyo publiko.
Hinimok din nito ang mga halal na opisyal na pairalin ang delicadeza at pananagutan sa oras na masangkot sa mga gawaing hindi naaayon sa dangal ng kanilang sinumpaang tungkulin sa taumbayan.
“we urge all public officials, especially those elected by the people, to demonstrate delicadeza and a sense of shame when implicated in acts unbecoming of public office. Leadership is not merely about legal survival; it is also about moral credibility and the preservation of public trust.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Kasabay nito, kinilala rin ni Bishop Bagaforo ang mga lingkod-bayan na patuloy na pinipili ang katapatan, kababaang-loob, at tunay na paglilingkod sa kabila ng mga hamon sa pulitika at sistema ng pamahalaan.






