Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,671 total views

Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa ating Senado. Ang pangunahing trabaho nito ay ang mag-imbestiga ng mga katiwalian, korapsyon, at maling gawain ng mga opisyal ng gobyerno.

Nagpapatawag ang komite ng mga pagdinig o hearings hindi para magpakulong ng tao (dahil trabaho iyon ng mga hukuman katulad ng Sandiganbayan), kundi “in aid of legislation.” Ibig sabihin, ginagawa ang mga pagdinig upang makita kung may mga butas sa kasalukuyang batas at makagawa ng mga bagong batas para maiwasan ang korapsyon sa hinaharap.

May kapangyarihan din ang Blue Ribbon Committee na utusan ang sinumang opisyal o testigo na humarap sa pagdinig at magdala ng mga dokumento. Kung ang isang testigo ay magsinungaling, umiwas sa tanong, o tumangging sumipot nang walang sapat na dahilan, maaari siyang ikulong ng komite sa mismong pasilidad ng Senado. 

Pagkatapos ng mga imbestigasyon, naglalabas ang komite ng isang committee report. Dito nakasulat ang kanilang mga natuklasan at ang rekomendasyon kung sinu-sinong opisyal ang dapat kasuhan ng Ombudsman o ng Department of Justice.

Sa pagpapalit ng liderato sa Senado kamakailan, nagpalit din ng komposisyon ang mga komite, kabilang ang Blue Ribbon Committee. Naihalal na chairperson nito si Senadora Pia Cayetano. Makakasama niya bilang mga vice chairpersons sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Rodante Marcoleta. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kasama ang dalawa sa mga sangkot umano sa katiwalian sa mga flood control projects

Sa katunayan, nagsumite kamakailan ang DOJ sa Office of the Ombudsman ng isang resolusyon na inirerekomendang sampahan ng mga kasong graft at plunder si Senador Jinggoy Estrada. Ang graft at plunder ay parehong mga krimen na may kinalaman sa korapsyon. Ang graft ay ang paggamit ng posisyon o impluwensya para makakuha ng pabor, pribilehiyo, o pera para sa kanyang sarili o para sa ibang tao. Nangyayari naman ang plunder kapag ang isang opisyal ng gobyerno ay nagkamal ng kayamanan sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga korap na gawain. Siyempre, itinatanggi ni Senador Estrada ang mga alegasyong ito.

Natuklasan namang may kaugnayan si Senador Marcoleta sa mag-asawang contractor na sina Pacifico at Sarah Discaya. Ang kanyang asawa kasi ay nakaupo bilang “independent, non-executive director” ng Stronghold Insurance at Milestone Guaranty and Assurance na nag-isyu ng milyong-milyong pisong halaga ng tinatawag na surety bonds para sa mga proyekto ng St. Gerrard Construction, ang kompanya ng mga Discaya. Dahil sa ugnayang ito, inakusahan ng mga kritiko at kapwa-mambabatas si Senador Marcoleta ng pagkakaroon ng conflict of interest. Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit masigasig na ipinaglaban ni Senador Marcoleta na mapasailalim sa Witness Protection Program at mabigyan ng immunity ang mga Discaya kapalit ng kanilang mga ibinubunyag. Mariing itinanggi ni Senador Marcoleta na pinoprotektahan niya ang mga Discaya para sa personal na interes.

Mga Kapanalig, kung nasa Blue Ribbon Committee ang dalawang senador, makakaasa ba tayo ng isang patas na komite sa patuloy na pag-iimbestiga nito sa flood control scandal kung saan dawit ang kanilang mga pangalan? Sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang korapsyon ay paghamak sa kabutihang panlahat o common good. Sa paglalagay ng dalawang taong iniuugay sa katiwalian sa komiteng bubusisi sa katiwalian, hindi malayong personal na interes ang kanilang protektahan. Paalala pa nga sa Mateo 6;24, “walang… makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.” Kanino kayang interes ang mangingibabaw kina Senador Estrada at Marcoleta sa pag-upo nila sa Blue Ribbon Committee? Iyan ang susubaybayan natin.

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 3,672 total views

 3,672 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 54,355 total views

 54,355 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 60,484 total views

 60,484 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 90,536 total views

 90,536 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 109,548 total views

 109,548 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 54,356 total views

 54,356 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 60,485 total views

 60,485 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 90,537 total views

 90,537 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 109,549 total views

 109,549 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top