Rise Up families, duda sa EJK Truth Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,008 total reads

Nagpahayag ng mga pangamba ang ilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings kaugnay sa bagong tatag na civilian-led “EJK Truth Commission” na magsisiyasat sa mga pagpaslang at iba pang kaugnay na pag-abuso sa bansa.

Kabilang sa inaalala ng Rise Up for Life and for Rights na pinangangasiwaan ni Llore Pasco, ina nina Crisanto at Juan Carlos Lozano na kapwa nasawi sa kampanya kontra droga, ang magiging kaibahan ng bagong komisyon kumpara sa matagal nang dokumentasyon at adbokasiya ng mga grupong tumutulong sa mga biktima.

Binanggit din nito na sa mga naunang panukalang batas hinggil sa pagtatatag ng Truth Commission ay malinaw na isinusulong ang pagkakaroon ng kinatawan mula sa hanay ng mga biktima at mas malaking partisipasyon ng kababaihan sa panel.

Ayon pa kay Pasco, bagamat kabilang sa mga itinalagang miyembro ng komisyon si forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, wala namang direktang kinatawan mula sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa kabila nito, sinabi ng Rise Up families na bukas silang makipagdayalogo sa EJK Truth Commission upang higit na maunawaan ang layunin at pamamaraan nito.

“This could easily be just another investigation and report. Maybe it will be more extensive. We will consider telling our testimonies again, once they explain more fully. Maybe they can help collect evidence on the gunmen, the police precincts, the operation commanders and the hired killers. That would be a significant help,” Bahagi ng pahayag ni Pasco.

Iginiit ng mga pamilya na mahalagang konsultahin sila sa anumang truth-telling mechanism at maisama ang kanilang pananaw sa proseso.

Binigyang-diin din ni Pasco na malaking bahagi ng katotohanan hinggil sa extrajudicial killings ay nasa kamay ng mga pulis at iba pang testigo kaya’t nais nilang malaman kung paano ito mailalantad ng komisyon.

“We have high-regard for some of the civil-society leaders named for the panel. We appreciate that they want to help. We all want the truth to come out. Most of the truth that we need is with the police and other witnesses. Will this body be able to surface such truth?” Dagdag pa ni Pasco.

Ayon sa EJK Truth Commission, itinatag ang komisyon bilang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon hinggil sa mga kaso extrajudicial killings o EJK sa bansa.

Una ng binigyang diin ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na magsisilbing adviser ng EJK Truth Commission na ang katotohanan ay dapat protektahan hindi lamang bilang datos, kundi bilang isang bagay na may dignidad para sa mga pamilyang magbabahagi ng kanilang mga kuwento sa loob ng nakalipas na maraming taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,108 total reads

 207,108 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,781 total reads

 241,781 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,681 total reads

 257,681 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,170 total reads

 294,170 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,457 total reads

 300,457 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,048 total reads

 46,048 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top