Maging buhay na saksi ng Diyos, hamon sa bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,954 total reads

Hinimok ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio ang bagong obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk na maging buhay na saksi ng habag at pagmamahal ng Diyos sa kanyang paglilingkod bilang pastol ng Simbahan sa Kalinga at Apayao.

Sa kanyang homiliya sa Episcopal Ordination at Canonical Installation ni Bishop Sean Mejia bilang ikatlong obispo ng Tabuk, binigyang-diin ni Archbishop Antonio na higit kailanman ay nangangailangan ang Simbahan ng mga pinunong nagpapakita ng malasakit at awa ni Hesukristo.

“The Church does not need bishops who merely administer offices, establish structures, or maintain positions of authority. The Church needs bishops who reveal the merciful and compassionate face of Jesus Christ,” ayon kay Archbishop Antonio.

Paalala ng arsobispo na ang pagiging obispo ay hindi gantimpala sa kakayahan o tagumpay ng isang tao kundi isang biyayang nagmumula sa pag-ibig ng Diyos.

“You are chosen because you are loved,” ani Archbishop Antonio.

Binigyang-diin din ng arsobispo na mahalaga ang pagiging mapagkumbaba, mahinahon at mahabagin ng isang obispo upang higit na mailapit ang mga mananampalataya sa Panginoon.

“People long to encounter a shepherd who listens before judging, who accompanies before condemning, and who heals before criticizing,” dagdag pa ni Archbishop Antonio.

Ayon kay Archbishop Antonio, ang misyon ng bagong obispo ay pagbuklurin ang mga pamayanan, palakasin ang pananampalataya, pangalagaan ang dignidad ng tao, at mailakbay sa mga katutubo, mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Samantala, sa kanyang mensahe matapos ang ordinasyon, nagpasalamat si Bishop Mejia sa lahat ng nakiisa at nagdasal para sa kanya sa pagsisimula ng kanyang gawaing pagpapastol sa bikaryato.

“As I begin my ministry as the Third Apostolic Vicar of Tabuk, I entrust myself and our Apostolic Vicariate to the Lord, whose faithful love has guided me throughout my life,” ani Bishop Mejia.

Paliwanag ng obispo na ang kanyang episcopal motto na “Eternal is His Merciful Love” ay sumasalamin sa walang-hanggang awa at pagmamahal ng Diyos sa kanyang bayan.

“My episcopal motto, ‘Eternal is His Merciful Love,’ is not only a personal testimony but also a reminder for all of us that God’s mercy endures forever,” paliwanag ng obispo.

Hiniling din ni Bishop Mejia ang patuloy na panalangin at pakikiisa ng mga mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

“I humbly ask for your continued prayers as we walk together in faith, united in our mission of proclaiming the Gospel and witnessing to God’s merciful love,” aniya.

Si Bishop Mejia ang humalili kay Bishop Prudencio Andaya Jr., CICM, nang ilipat ito sa Diocese of Cabanatuan noong 2024, matapos ang mahigit dalawang dekadang pagpapastol sa Tabuk.

Magiging katuwang ni Bishop Mejia sa pagpapastol sa halos kalahating milyong Katoliko ang 35 na pari, at tiniyak ang pagpapatuloy ng misyon ng ebanghelisasyon sa mga lalawigan ng Kalinga at Apayao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,139 total reads

 207,139 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,812 total reads

 241,812 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,712 total reads

 257,712 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,201 total reads

 294,201 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,486 total reads

 300,486 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top