Get back to work, panawagan ni PBBM sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,914 total reads

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado na agad bumalik sa sesyon at ipagpatuloy ang paggawa ng batas.

“Get back to work. Because it’s important — ang dami nating kailangang gawin,” giit ng Pangulong Marcos Jr.

Ito ang panawagan ng Pangulong Marcos Jr. kasabay ng paggiit na maraming mahahalagang panukala ang kailangang agarang tugunan sa gitna ng umiiral na krisis sa langis at pangangailangan ng publiko.

Ayon sa Pangulo, sa mga naging pagpupulong ng economic at legislative teams ng pamahalaan, kabilang sa tinalakay ang posibleng supplemental budget at ilang pag-amyenda sa mga umiiral na batas, mahalaga ang tuloy-tuloy na sesyon ng Kongreso upang mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga mamamayan.

Kinuwestyon din niya ang pagkakakansela ng ilang sesyon ng Senado, at iginiit na dapat may malinaw at matibay na dahilan, pati na maagang abiso, bago ito gawin alinsunod sa umiiral na proseso ng lehislatura.

“The best description I can have is that the legislature is now in disarray,” ayon sa Pangulong Marcos Jr.

Giit pa ng Pangulo, hindi aniya dapat nauuwi sa pagkaantala ng trabaho ang mga isyung administratibo, lalo’t nakasalalay dito ang pagpasa ng mga batas na direktang makakaapekto sa ekonomiya at serbisyo publiko.

Binigyang-diin din niya na habang patuloy na gumagana ang ehekutibo at hudikatura, dapat ay ganap ding gumagalaw ang lehislatura upang mapanatili ang balanse ng pamahalaan at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa taumbayan.

“I never imagined in my entire life — my entire political life — that such a thing could happen, especially to the august — it’s not longer august now — but to the august body of the Upper House, the Senate and the Philippines,” ayon sa pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, ang anumang pagkakaantala sa paggawa ng batas ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng gobyerno na tumugon sa mga agarang pangangailangan ng publiko, lalo na sa panahon ng krisis.

Sa huli, iginiit ni Pangulong Marcos na ang pangunahing tungkulin ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay maghatid ng katatagan at agarang aksyon para sa kapakanan ng mamamayan, at dapat aniyang manatiling bukas at aktibo ang Kongreso sa pagtupad ng kanilang mandato.

Ang pahayag ng Pangulo ay kaugnay na rin ng hindi pagpasok ng mga miyembro ng mayorya ng senado sa pangunguna ni Senate President Alan Peter Cayetano, makaraan ang pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada sa kasong plunder.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,440 total reads

 34,440 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,049 total reads

 85,049 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,920 total reads

 132,920 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,868 total reads

 236,868 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,215 total reads

 321,215 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top