Ordinasyon ng bagong Obispo ng Diocese of Urdaneta, itinakda sa July 21, 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,306 total reads

Ibinahagi ni Urdaneta Administrator Bishop Emeritus Jacinto Jose na nakatakdang ordinahan bilang bagong obispo ng Diocese of Urdaneta si Bishop-elect Nick Argel Vaquilar sa July 21, alas-9 ng umaga, sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Charity at Parish of Saint Augustine of Hippo sa Bantay, Ilocos Sur.

Ayon kay Bishop Jose, pangungunahan ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang episcopal ordination bilang principal consecrator, katuwang sina Bishop Jose at Nueva Segovia Archbishop Emeritus Marlo Peralta bilang mga co-consecrator.

Magbibigay naman ng homiliya sa pagdiriwang si Nueva Segovia Archbishop David William Antonio.

Sinabi rin ni Bishop Jose na isasagawa ang canonical installation ni Bishop-elect Vaquilar bilang obispo ng Urdaneta sa July
28.

Tubong Cabugao, Ilocos Sur si Bishop-elect Vaquilar. Nagtapos siya ng philosophy sa San Pablo Major Seminary sa Baguio City at theology sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.

Inordinahan siyang pari noong May 5, 1997 at unang naglingkod sa mga parokya bago naging bahagi ng faculty ng Immaculate Conception School of Theology, ang regional seminary ng Northern Luzon.

Mula 2001 hanggang 2004, nagtapos siya ng licentiate sa biblical theology sa Roma.

Pagbalik sa bansa, muling nagturo si Bishop-elect Vaquilar sa ICST noong 2006 at nagsilbing procurator na nangasiwa sa paghubog at kapakanan ng mga seminarista.

Kabilang din sa kanyang mga naging tungkulin ang pagiging vice rector ng seminaryo at pangulo ng Priests’ Assembly ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Noong 2016, nagtamo siya ng doctorate in sacred theology na nakatuon sa biblical theology mula sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University.

Bago italaga ni Pope Leo XIV bilang obispo ng Urdaneta, nagsilbi si Bishop-elect Vaquilar bilang rector ng Immaculate Conception School of Theology at pinamunuan ang Commission on Biblical Apostolate at Commission on Seminaries ng Archdiocese of Nueva Segovia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,378 total reads

 207,378 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 242,051 total reads

 242,051 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,951 total reads

 257,951 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,440 total reads

 294,440 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,714 total reads

 300,714 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top