D1L movement, isusulong ang tunay na anti-political dynasty law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,199 total reads

Nanindigan ang grassroots coalition na Dapat Isa Lang Movement (D1L) sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative sa kabila ng pag-apruba ng House Bill 8389 na binatikos ng mga kritiko bilang isang “pro-dynasty” na panukala.

Ayon sa D1L, lalo lamang pinagtibay ng pagpasa ng naturang panukala ang pangangailangan para sa isang tunay na Anti-Political Dynasty Law na isang batas na tunay na maglilimita sa kapangyarihan ng mga pamilyang politikal at magbibigay ng mas malawak na pagkakataon sa mamamayan na makilahok sa pamamahala.

“This pro-dynasty bill is exactly why we wish to pass a genuine anti-political dynasty law through people’s initiative: we deserve a better law that is for the people, not dynasties,” Bahagi ng pahayag ni D1L Spokesperson Atty. Carlo Africa.

Sa ilalim ng panukalang isinusulong ng Dapat Isa Lang Movement (D1L), papayagan lamang ang bawat pamilyang politikal na humawak o tumakbo sa isang pambansang posisyon at isang lokal na posisyon.

Ipinagbabawal din nito ang sabayang pagtakbo ng mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng pagkakamag-anak at pag-aasawa, gayundin ang pagpapalitan o pagsasalin ng puwesto sa loob ng pamilya.

Naniniwala naman si D1L Co-convener Atty. Alex Lacson na hindi kataka-takang magpasa ng isang mahinang anti-dynasty measure ang isang Kongreso na binubuo rin ng maraming mambabatas na nagmula sa pamilyang politikal.

“Passing a weak pro-dynasty House Bill is an obvious move for a dynasty-filled Congress. Dynasties will benefit from House Bill 8389, not us ordinary Filipinos–huwag tayo magpabudol dito!” Ayon kay Lacson.

Samantala tiniyak naman ng Dapat Isa Lang Movement (D1L) ang patuloy na pagsusumikap na mangalap ng mga lagda sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maisulong ang isang referendum para sa pagpapatibay ng kanilang panukalang Anti-Political Dynasty Law na tunay na tatapos sa dinastiya sa pulitika sa Pilipinas.

Nanawagan din D1L sa publiko na makiisa sa kampanya upang maisulong ang tunay repormang magpapalakas sa demokrasya at maglilimita sa paghahari ng mga dinastiyang politikal sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,185 total reads

 30,185 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,132 total reads

 81,132 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,003 total reads

 129,003 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,951 total reads

 232,951 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 317,546 total reads

 317,546 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top