Mananampalataya, hinimok na makiisa sa 9-day novena sa Philippine Heart Center chapel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,115 total reads

Inaanyayahan ng Philippine Heart Center (PHC) Chapel ang mga mananampalataya na makibahagi sa siyam na araw na nobenaryo bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Immaculate Heart of Mary, patrona ng kapilya, mula June 4 hanggang June 12.

Ayon kay PHC Chaplain Fr. Almar Roman, MI, layunin ng nobenaryo na ihanda ang mga deboto para sa pagdiriwang ng kapistahan sa June 13.

“May these days of prayer serve as a heartfelt and solemn preparation for the Fiesta Celebration and Memorial of the Immaculate Heart of the Blessed Virgin Mary on June 13, 2026,” pahayag ni Fr. Roman.

Binigyang-diin din ng pari ang kahalagahan ng debosyon sa Mahal na Ina na makatutulong upang higit na mapalapit at mapalalim ang ugnayan ng tao sa Panginoon.

“Through this novena, may we grow closer to Jesus as we offer our love, gratitude, and devotion to our Blessed Mother,” pahayag ni Fr. Roman.

Ibinahagi rin ng pari na pangungunahan ng iba’t ibang pari ang siyam na araw na misa nobenaryo ng Immaculate Heart of Mary Chapel.

“We also welcome our invited priest-presiders who will accompany us on this spiritual journey, leading us in prayer and a deeper encounter with Christ through Mary,” dagdag ng pari.
Gaganapin ang mga Novena Mass sa PHC Chapel sa pangunguna ng iba’t ibang pari mula sa mga diyosesis at kongregasyon.

Kabilang sa mga magdiriwang ng misa sina Fr. Bon Arimbuyutan, MI ng Camillians, Fr. Arnel Aquino, SJ ng Ateneo de Manila University, Fr. Robin Ross Plata, OAR ng Order of Augustinian Recollects, Fr. Eliseo Navarro, MI ng National Kidney and Transplant Institute, Fr. Joseph Franz Dizon ng Diocese of Malolos, Fr. Jerone Geronimo, OP ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, Fr. Julius Callanga ng Diocese of Cubao, Fr. Primitivo Guinit, MI ng St. Camillus Medical Center, at Fr. Mc Andro Landingin ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Pangungunahan naman ni Fr. Roman ang Fiesta Mass sa June 13, alas-8 ng umaga, kasabay ng paggunita ng Simbahan sa Immaculate Heart of the Blessed Virgin Mary.
Ang kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika tuwing Sabado pagkatapos ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,227 total reads

 207,227 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,900 total reads

 241,900 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,800 total reads

 257,800 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,289 total reads

 294,289 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,569 total reads

 300,569 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top