Pari, umalma sa paratang na tumanggap siya ng maleta ng pera sa 18 ex-Marines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,646 total reads

Mariing itinanggi ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang alegasyong ibinunyag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4, 2026, na nag-uugnay sa founder ng institusyon na si Fr. Flaviano Antonio “Flavie” Villanueva, SVD sa pagtanggap ng pera sa pamamagitan ng isang sobre at maleta.

Sa inilabas na pahayag ng AJ Kalinga, iginiit nitong walang katotohanan ang mga paratang na iniuugnay kay Fr. Villanueva at walang naganap na mga transaksyong binanggit ng testigo sa pagdinig.

“We categorically deny these allegations. They are false,” ayon sa pahayag ng AJ Kalinga.
Tinutulan ng institusyon ang alegasyon ng paghahatid ng sobre malapit sa isang simbahan sa Mindanao Avenue sa Quezon City na iniuugnay kay Fr. Villanueva.

Ipinaliwanag ng AJ Kalinga na walang anumang parokya, simbahan, o ministry center ng Society of the Divine Word (SVD) sa Mindanao Avenue na tumutugma sa paglalarawan ng testigo.

Pinabulaanan din nito ang alegasyon hinggil sa paghahatid ng maletang may lamang salapi sa isang lugar na tinukoy bilang “33 Clemente,” na ayon sa institusyon ay walang anumang ebidensyang sumusuporta at isa lamang gawa-gawang paratang.

“These allegations are not merely false. They are malicious, defamatory, and a grave injustice against a priest who has devoted his life to serving the poor, accompanying EJK victims and their families, and defending the dignity of those whose voices are often unheard,” giit ng AJ Kalinga.

Kinondena rin ng institusyon ang pagpapakalat ng mabibigat na akusasyong hindi suportado ng ebidensya at salungat sa mga madaling mapatutunayang katotohanan.

Binigyang-diin nito na matagal nang nahaharap si Fr. Villanueva sa mga pag-atake dahil sa kanyang pakikiisa sa mga biktima ng karahasan at pagtatanggol sa mga naaapi.

Iginiit din ng AJ Kalinga na hindi nito hahayaang masira ang kanyang mga dekada ng paglilingkod dahil sa mga gawa-gawang paratang.

Inihayag din ng institusyon na nagsimula na itong magsagawa ng kaukulang legal na hakbang laban sa mga taong nagpakalat ng maling paratang, habang tiniyak na magpapatuloy si Fr. Villanueva sa kanyang ministeryo para sa mahihirap, mga biktima, at mga naghahanap ng katotohanan at katarungan.

“Truth deserves protection. And those who deliberately defame others in the guise of testimony must likewise be held accountable,” pagtatapos ng pahayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,479 total reads

 34,479 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,086 total reads

 85,086 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,957 total reads

 132,957 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,905 total reads

 236,905 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,251 total reads

 321,251 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,938 total reads

 165,938 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top