Maglulunsad ng ‘Photo Exhibit of Eucharistic Miracles from Around the World’ ang St. Gregory the Great Cathedral Parish o Albay Cathedral bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus Christi.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,133 total reads

Gaganapin ang pagbubukas ng photo exhibit sa Hunyo 7, 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa ganap na alas-8 ng umaga kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga mananampalataya at mga peregrino na makibahagi.

Tampok sa photo exhibit ang mga pambihirang pangyayaring kinilala ng Simbahang Katolika bilang mga Eucharistic miracles na nagpapatibay sa pananampalataya ng mga mananampalataya sa Tunay na Presensya ni Hesukristo sa Banal na Eukaristiya.

“In celebration of the Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ (Corpus Christi), the parish community warmly invites everyone to the Launching of the Photo Exhibit of the Eucharistic Miracles from Around the World on June 7, 2026, during the 8:00am Holy Mass. It features extraordinary events recognized by the Church that strengthen our faith in the Real Presence of Jesus Christ in the Holy Eucharist. The exhibit will be available for viewing from June 7–29, 2026.” Bahagi ng paanyaya ng Albay Cathedral.

Layunin din ng exhibit na higit pang mapalalim ang debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Sakramento sa pamamagitan ng pagninilay sa mga tanda ng presensya ng Diyos na ipinakita sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Hinihikayat din ng pamunuan ng St. Gregory the Great Cathedral Parish o Albay Cathedral ang lahat na bisitahin ang nasabing photo exhibit at higit na mapalapit kay Hesus sa Banal na Sakramento sa pamamagitan ng mga himalang kinikilala ng Simbahan bilang patunay ng Kanyang tunay na presensya sa Eukaristiya.

“Come and witness these signs of God’s presence and let them draw us closer to Jesus in the Blessed Sacrament.” Dagdag pa ng pamunuan ng Albay Cathedral.

Bukas sa publiko ang photo exhibit mula Hunyo 7 hanggang 29, 2026 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto, peregrino, at iba pang bisita na makita at mapagnilayan ang mga patotoo ng pananampalataya kaugnay ng Banal na Eukaristiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,144 total reads

 207,144 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,817 total reads

 241,817 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,717 total reads

 257,717 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,206 total reads

 294,206 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,491 total reads

 300,491 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,054 total reads

 46,054 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top