Walang dapat ipagdiwang sa pagkakapasa ng Anti-Political Dynasty bill sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,880 total views

Walang dapat ipagdiwang ang publiko sa ipinasa ng Kamara de Representantes na panukalang Anti-Political Dynasty Bill.

Ito ang iginiit nina Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña at Caloocan Rep. Edgar Erice sa panayam ng programang Veritasan sa Radyo Veritas.

Ayon kay Cendaña, ang House Bill 8389 ay hindi tunay na anti-political dynasty measure kundi isang panukalang magpapahintulot pa rin sa pananatili ng mga political dynasty sa bansa.

“Ang sinasabi ng konstitusyon ay prohibition. Ibig sabihin, ipagbawal, wakasan, tapusin. Pero ang ginawa nga po ay pinayagan ang mga political dynasty sa panukalang batas na ito,” ayon sa mambabatas.

Sa huling araw ng plenaryo sa Kamara, pinagtibay sa botong 267 na pabor, 20 tutol at 7 abstention ang HB 8389 na pangunahing inakda nina House Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Alexander Marcos, kasama ang suporta ng 159 na co-authors.

Ayon sa panukala, saklaw nito ang pagbabawal sa mga mag-asawa at kamag-anak hanggang ikalawang antas ng pagkakamag-anak o affinity na sabay na humawak o tumakbo sa mga halal na posisyon sa iisang hurisdiksyon.

Paliwanag ni Cendaña, sakaling maging batas ang panukala ay maari pa ring na sa isang probinsya na ang gobernador ay ang tatay, at maari pa ring maging alkalde ang apat nitong anak o kamag-anak sa iba’t ibang bayan.

“Maari din na may tatay na senador, at may gobernor sa tatlong probinsya sa Pilipinas na anak, o kaya sa House of Representatives, maaring tatlong magkakapatid ang kongresista lahat sa iba’t ibang Distrito, probinsya o kaya ay may pang-apat pa na nasa partylist. So, ganun pa rin.”

Kasama dito, ang mga pambansa at lokal na halal na posisyon kabilang ang pagkapangulo, pangalawang pangulo, Senado, Kamara de Representantes, mga pamahalaang panlalawigan, lungsod at munisipalidad.

Para naman kay Erice, sa halip na sugpuin ang political dynasty ay lalo pa itong pinapalawig ng panukala.

Naniniwala si Erice na malabong magkasundo ang Senado at Kamara sa kani-kanilang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill dahil sa malaking pagkakaiba ng mga probisyon nito. Aniya, posibleng hindi na umusad pa ang panukala sa bicameral conference committee.

“Hindi magkakasundo, matutulog na lang ‘yan (HB8389) doon,” ayon kay Erice.

Kumpiyansa din ang kongresista na bagama’t makapasa sa Kongreso ang panukala ay hindi naman ito papasa sa Korte Suprema.

“Dahil, maliwanag sa parameters ng isang anti-political dynasty law, according to the framers of the 1987 Constitution. Dapat, number 1 it will provide equal access and opportunities to the ordinary Filipinos. Pangalawa it should prevent political monopoly,” ayon pa kay Erice.

Kabilang sina Cendaña at Erice sa 20 mambabatas na bumoto laban sa panukala. Kasama rin sa mga tumutol sina ML Party-list Rep. Leila de Lima, Kabataan Party-list Rep. Renee Co, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 16,906 total views

 16,906 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 49,988 total views

 49,988 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,339 total views

 78,339 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,069 total views

 146,069 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 167,889 total views

 167,889 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top