Maging instrumento ng kagalalan,katarungan at kanlungan ng mga naaapi-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,827 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging tunay na katawan ni Kristo sa mundo sa pamamagitan ng malasakit, pakikipagkaisa, at paghahandog ng sarili para sa kapwa.

Ito ang mensahe ni Cardinal Advincula sa Corpus Christi Sunday mass sa Minor Basilica of Our Lady of the Pillar – Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament o Sta. Cruz Church,Maynila.
Ayon kay Cardinal Advincula, ipinakikita ng Kabanal-banalang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo ang ganap at tapat na pagbibigay ng sarili ni Hesukristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan at inaanyayahan ang bawat Kristiyano na tularan ang halimbawa ng Panginoon.

“Ipinapahiwatig ng ating pagdiriwang ngayon ang komprehensibo, ganap, at tapat na pagbibigay-sarili ng ating Panginoong Heso Kristo at inaanyayahan tayong tularan ito. Hinahamon tayong gamitin ang ating mga katawan upang umabot sa iba, ialay ang lahat para sa kanila, at manatili upang magbigay-buhay at maging tunay na katawan ni Kristo sa mundo,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng Kardinal ang tatlong paraan upang maisabuhay ito: una, ang pagiging katawang nakararanas at nakaaalala ng pagdurusa kaya nagkakaroon ng malasakit sa kapwa; ikalawa, ang pagiging katawang nakikipagkaisa kay Kristo sa Eukaristiya at sa kapwa sa gitna ng mga pagkakahati-hati sa lipunan; at ikatlo, ang pagiging katawang handang magbahagi at magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang Eukaristiya ay hindi lamang pagdiriwang sa loob ng simbahan kundi isang misyon na maglingkod, magmahal, at magbigay-buhay sa kapwa, tulad ng ginawa ni Kristo.

“Ang Simbahan ni Kristo ay handang pira-pirasuhin upang maipamahagi, handang mamatay sa sarili upang magbigay-buhay sa iba. As we continue our celebration, let us ask for the grace to see our bodies in the light of the body and blood of Christ. May we use our bodies to feel and respond to the needs around us, to commune with Jesus and each other, and to be broken in order to be shared. Amen,” bahagi pa ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Hinimok ng Kardinal ang mga mananampalataya na ialay ang sarili sa Diyos upang maging instrumento ng kagalakan para sa nalulumbay, katarungan para sa naaapi, at kanlungan para sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,638 total reads

 9,638 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,589 total reads

 45,589 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,995 total reads

 101,995 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,229 total reads

 225,229 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top