Matinding pinsala ng magnitude 7.8 na lindol, tinamo ng ilang komunidad sa General Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,201 total reads

Patuloy na kinakaharap ng ilang komunidad sa General Santos City, Sarangani, at South Cotabato ang epekto ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao noong Hunyo 8, kabilang ang mga pagguho ng lupa, pagkasira ng mga tulay, kakulangan sa tubig at kuryente, at pinsala sa mga tahanan at pasilidad ng simbahan.

Batay sa Rapid Needs Assessment ng Social Action Center ng Diocese of Marbel, pinakamalubhang naapektuhan ang General Santos City kung saan naitala ang 13 nasawi, 144 sugatan, at apat na nawawala, habang tinatayang nasa halos 2,000 pamilya ang naapektuhan at mahigit 1,500 bahay ang nagtamo ng pinsala.

Aabot naman sa 66 imprastraktura sa lungsod ang nasira, kabilang ang mga paaralan, ospital, simbahan, establisimyento, at ang General Santos City International Airport.

Sa Sarangani, hindi bababa sa 11 kumpirmadong nasawi at mahigit 100 sugatan, habang higit sa 5,100 pamilya ang naapektuhan ng lindol at ng kasunod na tsunami alert.

Nananatiling hindi madaanan ang ilang pangunahing kalsada at tulay sa lalawigan, lalo na sa bayan ng Glan, habang limitado pa rin ang suplay ng tubig, kuryente, at komunikasyon sa ilang lugar.

Sa South Cotabato naman, tatlo ang nasawi at 203 ang nasugatan, habang naitala rin ang pinsala sa 112 gusali at imprastraktura at 432 bahay.

Una nang umapela ng agarang tulong si Marbel SAC Director Fr. Jerome Millan para sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya, kabilang ang hygiene kits, solar lamps, maiinom na tubig, at pagkain.

Patuloy naman ang isinasagawang pangangalap ng datos at assessment ng Diocese of Marbel at mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala at mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Batay naman sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 45 ang kumpirmadong nasawi, 630 ang sugatan, at 17 ang nawawala, habang halos 36,000 pamilya sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang apektado ng pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 15,032 total reads

 15,032 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 50,616 total reads

 50,616 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 107,022 total reads

 107,022 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 229,930 total reads

 229,930 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,515 total reads

 176,515 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top