Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang tunay na kalayaan ay paglaya ng tao sa kasalanan, poot, pagkamakasarili at hopelessness- Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,491 total views

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nakatuon sa aspetong pampulitika kundi sa pagpapalaya ng tao mula sa kasalanan, poot, pagkamakasarili, at kawalan ng pag-asa.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City noong June 12, sinabi ng kardinal na ang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng bansa ay pagkakataong pagnilayan nang mas malalim ang kahulugan ng kalayaan bilang mga tagasunod ni Kristo.

“Yet Independence Day also reminds us that the deepest freedom is not merely political freedom. The greatest freedom is freedom from sin, hatred, selfishness, and despair,” pahayag ni Cardinal Advincula. Ayon sa kardinal, magiging ganap ang kalayaan ng isang bansa kung matututuhan ng mamamayan na magmahal tulad ng pagmamahal ni Kristo sa sangkatauhan.

“A nation becomes truly free when its people learn to love as Christ loves,” ani ng arsobispo. Iniugnay ni Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, kung saan kinilala ng arsobispo ang kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at pagmamahal para sa bayan.

“The heroes we honor today were men and women ‘na may puso’—men and women who loved the Philippines enough to sacrifice for her,” saad ng kardinal.
Paalala ni Cardinal Advincula na ang debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ay nagsisimula sa pagkilala sa walang-hanggang pag-ibig ng Diyos para sa bawat tao. Ayon pa sa kardinal, maraming tao sa kasalukuyan ang nakararanas ng pakiramdam ng kakulangan at kawalan ng halaga sa sarili, subalit pinagtibay ng mensahe ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus na ang bawat isa ay iniibig at pinili ng Diyos.

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang puso ni Hesukristo na tapat, mahabagin, at handang magbigay ng sarili para sa kapwa upang maging daan ng pagkakaisa at pagbabagong panlipunan.

“May His Heart inspire our leaders to serve with integrity, our families to live in unity, and our communities to grow in compassion,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Hamon ni Cardinal Advincula sa bawat Pilipino na suriin kung anong uri ng puso ang huhubog sa kinabukasan ng bansa, ang “pusong bato” na walang malasakit sa kapwa, o pusong katulad ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus na tapat,
mahabagin, at mapagbigay ng sarili.

Katuwang ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang sina shrine rector at team ministry head na sina Fr. Eric Castro at Fr. Roy Bellen, na dinaluhan ng iba pang pari, kasama ang pamayanan ng Dambana at mga deboto ng Sacred Heart.

Ngayong taon ay magkasabay na ipinagdiwang ng mga Pilipino ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ang ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 90,091 total views

 90,091 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 135,814 total views

 135,814 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 138,024 total views

 138,024 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 208,266 total views

 208,266 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 213,648 total views

 213,648 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top