Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,808 total views

Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan dahil sa patuloy na epekto ng mga patakarang nakatuon sa tubo ng malalaking negosyo.

Ayon kay EILER Executive Director Rochelle Porras, patuloy na nangingibabaw ang interes ng malalaking kompanya at dayuhang pamumuhunan kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa sa ilang umiiral na patakarang pang-ekonomiya.

Binigyang-diin ng grupo ang Wage Rationalization Act, Value-Added Tax o VAT sa batayang produkto at serbisyo, privatization, flexibilization ng paggawa, at iba pang polisiya na sinasabi nilang nagpapabigat sa kalagayan ng mga manggagawa.

Ayon kay Porras, ang mga ito ay patunay ng pag-una sa tubo kaysa sa karapatan ng mga manggagawa.

Aniya, “Ang pagpapatuloy ng Wage Rationalization Act, Value-Added Tax sa mga batayang serbisyo at produkto, pribatisasyon, flexibility ng paggawa, at iba pang anti-mamamayang polisiya ay malinaw na pagprayoritisa sa interes ng tubo ng malalaking negosyo kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa.”

Sa kabila ng sinasabing paglago ng ekonomiya dahil sa dayuhang pamumuhunan at pangungutang, sinabi ng EILER na nananatiling mababa ang sahod ng maraming manggagawa, laganap ang kontraktwalisasyon, at nananatili ang mga hamon sa karapatan sa pag-oorganisa at pagbubuo ng unyon.

Naniniwala ang grupo na makakamit lamang ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo, nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at mas demokratikong pamamahala sa ekonomiya at likas na yaman ng bansa.

Giit pa ni Porras, “Ang tunay na kalayaan ay kalayaan mula sa mga polisiyang neoliberal na pumapabor lamang sa tubo, monopolyo, at dayuhang interes.”

Dagdag pa niya, patuloy na ipinapaalala ng Araw ng Kalayaan ang nagpapatuloy na pakikibaka ng mga manggagawa para sa karapatan, pambansang patrimonya, at makataong pag-unlad.

Mensahe ito ng EILER sa paggunita ng Araw ng Kalayaan kung saan muling nanawagan ang grupo ng mas malalim na reporma sa ekonomiya at paggawa para sa mas maayos na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 90,879 total views

 90,879 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 136,602 total views

 136,602 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 138,812 total views

 138,812 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 209,035 total views

 209,035 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 214,358 total views

 214,358 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

META, maghihigpit sa mga kabataan online

 1,919 total views

 1,919 total views Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines Ang digital literacy

Read More »
Scroll to Top