Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magpakumbaba at makinig sa mga kawan, paalala ng Arsobispo sa mga pari ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga pari ng arkidiyosesis na maging mga pastol na marunong makinig at makiisa sa kanilang kawan bilang mahalagang bahagi ng pagsusulong ng synodality sa Simbahan.

Sa mensahe ng arsobispo sa recollection ng kaparian para sa buwan ng Hunyo, binigyang-diin nito na ang pagiging “Listening Church,” na siyang tema ng arkidiyosesis ngayong taon, ay nangangailangan ng pagpapakumbaba at pakikinig mula sa mga lider ng Simbahan.

“A Listening Church is not a Church without leaders. It is a Church whose leaders are humble enough to listen,” pahayag ni Archbishop Uy.

Paliwanag ng arsobispo na tulad ni Hesus sa pakikipagtagpo sa babaeng Samaritana sa balon, mahalagang unahin ng mga lingkod ng Simbahan ang pakikinig bago magbigay ng paggabay at mga solusyon.

Kinilala rin ni Archbishop Uy na matagal nang nakasanayan sa Simbahan ang pamamaraang ang mga lider ang nagsasalita habang ang iba ay nakikinig lamang.

“For many years, many of us have been accustomed to a model where bishops, priests, and Church leaders speak while everyone else listens. Leadership remains important, but Pope Francis reminded us that the Holy Spirit speaks through the entire People of God,” ani ng arsobispo.

Ibinahagi rin ni Archbishop Uy ang kanyang mga natuklasan mula sa malawakang konsultasyon sa iba’t ibang bahagi ng arkidiyosesis kung saan paulit-ulit niyang narinig ang hangarin ng mga mananampalataya para sa pagbabago at mas malapit na ugnayan sa Simbahan.

“People long for renewal. They long for a clearer and more unified pastoral direction. They long for a Church that walks more closely with its people. They long for priests who know them, listen to them, and journey with them,” ayon kay Archbishop Uy.

Dahil dito, nanawagan ang arsobispo sa mga paring aktibong makibahagi sa mga programang paghuhubog ukol sa synodality at samahan ang mga layko sa kanilang paglalakbay bilang Simbahan.

“Many of our lay faithful hope that we, their priests and servant-leaders, will promote these formation programs, participate in them, and journey with them. They want synodality to be more than a theme or a document; they want to see it lived in their parishes,” dagdag pa ng arsobispo.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na hindi binabawasan ng synodality ang tungkulin ng mga pari bilang mga pastol kundi lalo pa itong pinagtitibay sa pamamagitan ng mas malalim na pakikinig at pakikipaglakbay sa mga mananampalataya.

Hinimok ni Archbishop Uy ang kaparian na maging mga pastol na handang samahan, unawain at pakinggan ang kanilang nasasakupan.
“Perhaps that is what our people are asking from us today. Not perfection. Not extraordinary talents. Simply shepherds who are willing to walk with them, listen to them, and accompany them,” pahayag niya.

Umaasa rin ang arsobispo na sa mga darating na panahon ay kilalanin ng mga layko ang malalim na ugnayan sa pagitan ng mga pastol ng simbahan na isang daan tungo sa mas maunlad at matibay na pamayanang Kristiyano.
Ayon kay Archbishop Uy, ang kinabukasan ng Simbahan sa Cebu ay nakasalalay sa sama-samang pakikinig, pagninilay at paglalakbay ng buong sambayanan sa patnubay ng Espiritu Santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 50,632 total views

 50,632 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 96,355 total views

 96,355 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 98,565 total views

 98,565 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 170,110 total views

 170,110 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 178,898 total views

 178,898 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top