Pagpapalaganap ng personal na pakikipagtagpo kay Hesus, hamon sa Catholic Charismatic Renewal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,452 total reads

Nananatiling hamon sa Catholic Charismatic Renewal ang higit pang pagpapalaganap ng personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at ng karanasan ng pagbibinyag sa Espiritu Santo sa mas maraming mananampalataya.

Ito ang binigyang-diin ni Fe Barino, National Coordinator ng CHARIS Philippines at Coordinator ng Archdiocesan Commission on the Laity ng Archdiocese of Cebu, sa kanyang pagninilay matapos pakinggan ang mensahe ni Pope Leo XIV sa pakikipagpulong nito sa Catholic Charismatic Renewal noong May 30 sa Vatican.

Ayon kay Barino, malinaw ang panawagan ng Santo Papa na ang Charismatic Renewal ay hindi para sa sarili kundi isang kaloob ng Espiritu Santo para sa buong Simbahan.
“The greatest challenge before us today is not simply to preserve the Charismatic Renewal but to share it,” ayon kay Barino.

Paliwanag nito na maraming Katoliko ang nabinyagan ngunit hindi pa ganap na nakararanas ng personal na pakikipag-ugnayan kay Hesukristo at ng kapangyarihang magbago sa kanilang buhay sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Binigyang-diin din ng lay leader na ang pinakamahalagang bunga ng karismatikong karanasan ay hindi lamang ang pagkatuto ng mga aral ng pananampalataya kundi ang tunay na pakikipagtagpo sa Diyos.

“Our lives were changed not because we learned new teachings, but because we encountered the living God,” ani Barino.

Dagdag pa nito, mahalagang paalala sa Simbahan ang sinabi ni Pope Leo XIV na higit na kailangan ng mundo ngayon ang tunay na karanasan sa presensya ng Diyos kaysa sa pagdami ng mga programa at gawain.

“The world today does not simply need more programs or activities; it needs an encounter with the living God,” pahayag ni Barino.

Iniugnay rin ng opisyal ng CHARIS Philippines ang mensahe ng Santo Papa sa pagsusulong ng synodal journey sa Archdiocese of Cebu sa ilalim ng pamumuno ni Cebu Archbishop Alberto Uy, lalo na ang panawagang ilaan ng mga lay organizations ang kanilang mga kaloob at kakayahan para sa misyon ng mga diyosesis at parokya.

Ayon kay Barino, ang mga karisma ay hindi ibinibigay para sa personal na pagkilala o pagkakakilanlan ng isang grupo kundi para sa pagpapatatag ng buong Simbahan.

“The gifts of the Holy Spirit are never given for personal recognition or group identity. They are given for the building up of the Church,” aniya.

Hinimok din nito ang mga lay organizations na manatiling mapagkumbabang instrumento ng Espiritu Santo sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa mga parokya, pamilya, lugar ng trabaho at maging sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Binigyang-diin ni Barino na ang tunay na sukatan ng bunga ng Charismatic Renewal ay ang paglilingkod, pagkakaisa at pagtuturo sa mga tao tungo sa mas malalim na pakikipagtagpo kay Kristo.

“The Renewal bears its greatest fruit when it serves rather than seeks to be served, when it builds communion rather than division, and when it leads people not to itself, but to a deeper encounter with Jesus Christ,” giit ni Barino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 39,080 total reads

 39,080 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 86,399 total reads

 86,399 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 187,666 total reads

 187,666 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 257,842 total reads

 257,842 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 342,059 total reads

 342,059 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top