Magpakumbaba at makinig sa mga kawan, paalala ng Arsobispo sa mga pari ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,352 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga pari ng arkidiyosesis na maging mga pastol na marunong makinig at makiisa sa kanilang kawan bilang mahalagang bahagi ng pagsusulong ng synodality sa Simbahan.

Sa mensahe ng arsobispo sa recollection ng kaparian para sa buwan ng Hunyo, binigyang-diin nito na ang pagiging “Listening Church,” na siyang tema ng arkidiyosesis ngayong taon, ay nangangailangan ng pagpapakumbaba at pakikinig mula sa mga lider ng Simbahan.

“A Listening Church is not a Church without leaders. It is a Church whose leaders are humble enough to listen,” pahayag ni Archbishop Uy.

Paliwanag ng arsobispo na tulad ni Hesus sa pakikipagtagpo sa babaeng Samaritana sa balon, mahalagang unahin ng mga lingkod ng Simbahan ang pakikinig bago magbigay ng paggabay at mga solusyon.

Kinilala rin ni Archbishop Uy na matagal nang nakasanayan sa Simbahan ang pamamaraang ang mga lider ang nagsasalita habang ang iba ay nakikinig lamang.

“For many years, many of us have been accustomed to a model where bishops, priests, and Church leaders speak while everyone else listens. Leadership remains important, but Pope Francis reminded us that the Holy Spirit speaks through the entire People of God,” ani ng arsobispo.

Ibinahagi rin ni Archbishop Uy ang kanyang mga natuklasan mula sa malawakang konsultasyon sa iba’t ibang bahagi ng arkidiyosesis kung saan paulit-ulit niyang narinig ang hangarin ng mga mananampalataya para sa pagbabago at mas malapit na ugnayan sa Simbahan.

“People long for renewal. They long for a clearer and more unified pastoral direction. They long for a Church that walks more closely with its people. They long for priests who know them, listen to them, and journey with them,” ayon kay Archbishop Uy.

Dahil dito, nanawagan ang arsobispo sa mga paring aktibong makibahagi sa mga programang paghuhubog ukol sa synodality at samahan ang mga layko sa kanilang paglalakbay bilang Simbahan.

“Many of our lay faithful hope that we, their priests and servant-leaders, will promote these formation programs, participate in them, and journey with them. They want synodality to be more than a theme or a document; they want to see it lived in their parishes,” dagdag pa ng arsobispo.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na hindi binabawasan ng synodality ang tungkulin ng mga pari bilang mga pastol kundi lalo pa itong pinagtitibay sa pamamagitan ng mas malalim na pakikinig at pakikipaglakbay sa mga mananampalataya.

Hinimok ni Archbishop Uy ang kaparian na maging mga pastol na handang samahan, unawain at pakinggan ang kanilang nasasakupan.
“Perhaps that is what our people are asking from us today. Not perfection. Not extraordinary talents. Simply shepherds who are willing to walk with them, listen to them, and accompany them,” pahayag niya.

Umaasa rin ang arsobispo na sa mga darating na panahon ay kilalanin ng mga layko ang malalim na ugnayan sa pagitan ng mga pastol ng simbahan na isang daan tungo sa mas maunlad at matibay na pamayanang Kristiyano.
Ayon kay Archbishop Uy, ang kinabukasan ng Simbahan sa Cebu ay nakasalalay sa sama-samang pakikinig, pagninilay at paglalakbay ng buong sambayanan sa patnubay ng Espiritu Santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,886 total views

 9,886 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,237 total views

 38,237 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 105,967 total views

 105,967 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,118 total views

 129,118 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,603 total views

 198,603 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top