DA, kinundena sa hindi pagpataw ng safeguard duties sa imported na bigas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,766 total reads

Kinundena ng Federation of Free Farmers (FFF) ang hindi pagkilos ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang petisyon para sa pagpapataw ng ‘safeguard duties’ laban sa imported na bigas upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.

Ayon kay FFF National Manager Raul Montemayor, naghain sila kasama ang MAGSASAKA Party-List noong September 2025 ng petisyon sa ilalim ng ‘Safeguard Measures Act o Republic Act No. 8800’ kasunod ng pagdami ng rice imports na nagdulot ng pagbagsak ng presyo ng palay ngunit anim na buwan na ang lumipas wala pa ring aksyon ang DA.

Iginiit ni Montemayor na nakasaad sa batas na dapat makapaglabas ng desisyon ang kalihim ng Agrikultura sa loob ng 30 araw matapos tanggapin ang petisyon.

“Give imports after trade liberalization of our rice industry under the Rice Tariffication Law (RA 11203) in 2019. But, so far, the DA has refused to utilize a remedy that is readily available under RA 8800 and the rules of the World Trade Organization. For about nine months now, rice producers have been expecting the DA’s decision on our petition. Will the safeguard protection guaranteed by law turn out to be a “ghost” safety net?”, he asked,” mensahe ni Montemayor sa Radyo Veritas.

Binigyan diin ng F-F-F na mahalagang proteksyon sa mga magsasaka ang safeguard measures laban sa labis na pagpasok ng imported na bigas.

Nagbabala ang grupo na maging isang “multo” o hindi epektibong pananggalang ang proteksyong ipinagkakaloob ng batas kung hindi ito maipatutupad sa tamang panahon.

Kaugnay nito, patuloy na itinataguyod ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng katarungang pang-ekonomiya at pangangalaga sa kabuhayan ng mga maliliit na magsasaka.

Binibigyang-diin sa mga katuruan nina Pope Francis at Pope Leo XIV, ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga sektor na higit na naaapektuhan ng kahirapan at hindi pantay na kalakaran sa ekonomiya upang matiyak ang dignidad ng paggawa at sapat na kabuhayan para sa lahat.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 39,045 total reads

 39,045 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 86,365 total reads

 86,365 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 187,632 total reads

 187,632 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 257,808 total reads

 257,808 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 342,025 total reads

 342,025 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top