34 green groups,nanawagan sa DENR,TRB at SMC na ipatigil ang pagputol ng mga puno sa Roxas boulevard

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,004 total reads

Nanawagan ang Move As One Coalition at 33 iba pang organisasyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Toll Regulatory Board (TRB), at San Miguel Corporation (SMC) na tuluyang ihinto ang Southern Access Link Expressway (SALEX), kasunod ng mga ulat ng pagputol ng mga puno sa Roxas Boulevard sa Maynila na iniuugnay sa proyekto.

Sa isang pahayag, kinondena ng mga grupo ang palihim na pagputol ng mga puno at kinuwestiyon ang kalagayan ng naunang ipinahayag na pansamantalang pagsuspinde sa proyekto matapos ang mga reklamo kaugnay ng mahigit 200 punong pinutol sa Quirino Avenue.

Ayon sa Move As One Coalition, hindi pa man naitatayo ang expressway ay ramdam na ang epekto nito sa kapaligiran at mga komunidad, kabilang ang pagkawala ng mga punong nagsisilbing silong at proteksyon laban sa matinding init.

“Ang SALEX ay salot, hindi solusyon. Matinding kapahamakan sa ating lahat, hindi kaunlaran, ang idudulot nito,” ayon sa koalisyon.

Iginiit ng mga grupo na posibleng magdulot ang proyekto ng paglala ng urban heat island effect, polusyon sa hangin at ingay, mas matinding pagbaha, at pagkasira ng mahigit 50 cultural at natural heritage sites sa Maynila.

Binigyang-diin din ni Move As One Coalition co-convenor Robert Y. Siy Jr. na ang mga urban expressway ay maaaring magdulot ng paghina ng ekonomiya sa mga kalapit na komunidad, pagkawala ng kabuhayan, at pagbaba ng halaga ng mga ari-arian.

“Urban expressways infect surrounding neighborhoods with urban blight. These communities will experience economic decline, fewer job and livelihood opportunities, and diminished land values. Reduced land values will also mean smaller revenue streams for Metro Manila’s local government units,” ayon kay Siy.

Dagdag pa ng mga tumututol sa proyekto, hindi rin nito tuluyang malulutas ang pagsisikip ng trapiko dahil sa tinatawag na “induced demand,” kung saan dumarami rin ang mga sasakyang gumagamit ng bagong imprastraktura.

Iginiit ng koalisyon na salungat ang proyekto sa mga layunin ng Philippine Development Plan 2023-2028 na nagbibigay-prayoridad sa mga naglalakad, nagbibisikleta, at sa pagpapalawak ng mga luntiang espasyo sa mga lungsod.

Binigyang-diin din ng grupo na nakasaad sa 1987 Constitution ang tungkulin ng estado na pangalagaan at isulong ang karapatan ng mamamayan sa isang balanseng at malusog na ekolohiya.

“Hindi kami papayag na magdusa ang 94% ng mga Pilipinong walang sariling kotse para lamang mapadali ang biyahe ng 6% na may-ari ng sariling sasakyan,” giit ng grupo.

Kabilang sa mga lumagda sa panawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI), Archdiocesan Shrine of St. John the Baptist – Intergal Ecology Ministry, Alyansa Tigil Mina (ATM), Archdiocese of Manila Integral Ecology Ministry, at iba pang mga makakalikasan grupo, commuter organizations, at faith-based organizations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 113,684 total reads

 113,684 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 147,014 total reads

 147,014 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 179,158 total reads

 179,158 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 245,220 total reads

 245,220 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 257,183 total reads

 257,183 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,241 total reads

 122,241 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top