Malacañang at DENR, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,436 total reads

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Malacañang at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng mga petisyong kumukuwestiyon sa mga limitasyong itinakda sa ilalim ng DENR Freedom of Information (FOI) Manual na humahadlang sa pagkuha ng mahahalagang impormasyong pangkalikasan.

Inatasan ng Korte Suprema ang dalawang ahensya na magsumite ng komento sa mga petisyong humihiling na ideklarang labag sa Konstitusyon ang DENR Administrative Order (DAO) 2016-29 dahil sa paglikha nito ng mga karagdagang pagbubukod sa pagbibigay ng impormasyon na walang batayan sa umiiral na batas.

Ayon kay Environmental Legal Assistance Center (ELAC) Senior Legal Officer Atty. Grizelda Mayo-Anda, mahalagang mapanatiling bukas sa publiko ang mga impormasyong may kaugnayan sa kalikasan upang makalahok ang mga mamamayan sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa kanilang mga komunidad.

“Restricting access to environmental information undermines the public’s ability to participate meaningfully in decisions that directly affect them. Here in Palawan, this means indigenous peoples and local communities are blinded to how extractive projects like large-scale mining will affect sacred sites, farmlands, and biodiversity corridors,” ayon kay Mayo-Anda.

Nauna nang nagpasa ng petisyon noong Nobyembre 2025 ang Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) kasama si Marbel Bishop Cerilo ‘Alan’ Casicas matapos tanggihan ang kanilang mga kahilingan para sa impormasyon kaugnay ng kontrobersyal na Tampakan Copper-Gold Mining Project at iba pang proyekto.

Sinundan ito ng hiwalay na petisyong inihain noong Pebrero 2026 ng Pinauntungan Et Ka Pala’wanan (PEKP), isang organisasyon ng mga katutubo sa Palawan, sa pamamagitan ng ELAC.

Sinabi ni Moharen Tambiling ng PEKP, sila mismo ang unang nakararanas ng epekto ng pagkasira ng kalikasan ngunit nahihirapang makakuha ng impormasyong may kaugnayan sa mga proyektong nakaaapekto sa kanilang lupang ninuno.

Nag-ugat ang petisyon sa karanasan ng mga residente at katutubo sa Brooke’s Point, Palawan na apektado ng operasyon ng Ipilan Nickel Corporation, kung saan sinasabing naapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka at komunidad at naiugnay pa sa pagbaha noong 2023.

“Sa petisyong ito, hindi naman kami humihiling ng pabor. Nais lamang namin malaman ang mga epekto ng mga proyektong ito sa aming komunidad, lalo na kami ang haharap sa mga kahihinatnan sa darating na mga taon,” dagdag ni Tambiling.

Batay sa petisyon, humiling ang PEKP ng kopya ng Environmental Impact Statement noong 2022 ngunit tinanggihan ito ng Environmental Management Bureau-MIMAROPA dahil kabilang ito sa List of Exceptions na nakasaad sa FOI Manual.

Iginiit naman ni Mayo-Anda na dapat ideklarang walang bisa ang DAO 2016-29 dahil lumilikha ito ng mga bagong kategorya ng pagbubukod na hindi nakabatay sa batas at maaaring makaapekto sa karapatang pangkalikasan, panlipunan, at pang-ekonomiya ng mamamayan.

“Ultimately, DAO 2016-29 must be declared invalid, as it creates new categories of exceptions not based on existing laws or jurisprudence of the land,” pagtatapos ni Mayo-Anda.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa Laudato Si’ na tungkulin ng pamahalaan na pagtibayin ang pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap na mamamayang apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 42,923 total reads

 42,923 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 90,020 total reads

 90,020 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 191,287 total reads

 191,287 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 261,463 total reads

 261,463 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 345,466 total reads

 345,466 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 200,440 total reads

 200,440 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top