Tunay na ecological conversion, panawagan ng kura-paroko ng Malate church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,492 total reads

Nanawagan si Fr. Leo Distor, kura paroko ng Our Lady of Remedies Parish o Malate Church, ng isang tunay na ecological conversion at mas matatag na pangangalaga sa kalikasan kasunod ng pagputol sa mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard bilang bahagi ng South Extension Link Expressway (SALEX) Project.

Inihayag ito ng pari sa isinagawang Laudato Si’ Way of the Cross for the Trees, isang panalangin at mapayapang pagkilos bilang pakikiisa sa mga sektor na nananawagan sa pangangalaga sa mga puno at sa sangnilikha sa gitna ng kontrobersiyal na proyekto.

“Tayo ay nagkakatipon hindi lamang upang magluksa sa pagkitil sa buhay ng mga punong pinutol, kundi pagsisisi sa ating pagwawalang-halaga at kapabayaang pangalagaan ang mga puno at ang ibang nilikha at ang pangakong kumalinga at manindigan para sa buhay ng sangniilikha,” pahayag ni Fr. Distor.

Sinabi ni Fr. Distor na ang mga puno ay nagsisilbing mga tahimik na lingkod ng buhay sa loob ng maraming dekada dahil nagbibigay ang mga ito ng lilim, malinis na hangin, proteksyon laban sa init at ulan, at tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop nang walang hinihinging kapalit.

Binigyang-diin din nito na ang walang habas na pagputol sa mga puno ay hindi lamang suliraning pangkapaligiran kundi usapin din ng katarungan, pananampalataya, at pananagutan ng tao bilang katiwala ng sangnilikha.

“Kapag ang kalikasan ay ginagawang bagay lamang para sa pansariling kapakinabangan, ang dangal ng nilikha ng Diyos ay nilalapastangan,” dagdag ng pari.

Iginiit ni Fr. Distor na bilang isang Laudato Si’ at Ecological Parish, hindi maaaring manatiling tahimik ang Simbahan habang patuloy na nasisira ang nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.

Binigyang-diin din nito na ang sigaw ng lupa ay sigaw din ng mga mahihirap, kaya’t hindi dapat paghiwalayin ang pananampalataya at pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan sapagkat ang kinabukasan ng susunod na salinlahi ay nakasalalay sa mga pagpapasyang ginagawa ng kasalukuyang henerasyon.

Hinikayat din ng pari ang mga kabataan na maging mga bagong propeta ng ecological conversion at mga tagapagtaguyod ng buhay at pangangalaga sa kalikasan, habang nananawagan sa lahat ng mananampalataya na isabuhay ang kanilang tungkulin bilang mga katiwala, at hindi mga panginoon, ng sangnilikha.

Ayon pa kay Fr. Distor, ang tunay na pagbabago para sa kapaligiran ay hindi lamang nasusukat sa mga proyektong pangkalikasan kundi sa pagbabagong nakaugat sa puso, pagpapahalaga, at pamumuhay ng bawat isa.

“Ang pagtatanggol sa mga puno ay pagtatanggol sa buhay. Ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol sa kinabukasan.
At ang pagtatanggol sa sangnilikha ay pakikiisa sa Diyos na patuloy na lumilikha, nagmamahal, at nagbibigay-buhay,”
giit ni Fr. Distor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 51,394 total reads

 51,394 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 85,050 total reads

 85,050 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 186,875 total reads

 186,875 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 227,434 total reads

 227,434 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 245,891 total reads

 245,891 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 136,174 total reads

 136,174 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top