Tumulong sa pagtatag ng lipunang kumikilala sa dignidad ng bawat tao, apela ni Archbishop Brown sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Nanawagan si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, sa mga mananampalataya na makiisa sa pagtataguyod ng isang lipunang kumikilala sa dignidad ng bawat tao, nagtatanggol sa buhay, at nagkakaisang nilalabanan ang katiwalian, krimen, at diskriminasyon.

Ito ang mensahe ng nuncio sa kanyang homiliya sa makasaysayang episcopal coronation ng Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción y del Triunfo de la Cruz de Cotta, o La Virgen sa Cotta, na ginanap noong July 8 sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Ozamiz City.

Sinabi ni Archbishop Brown na ang tunay na debosyon kay Maria ay hindi lamang naghahanda sa mga Kristiyano para sa buhay na walang hanggan kundi nagtutulak din sa kanilang makibahagi sa paghubog ng isang lipunang sumasalamin sa paghahari ng Diyos.

“The Holy Father is exhorting us, pleading with us, calling us to work together to make this world better. Not because we have forgotten heaven—that is where we are called; that is our destination,” ayon kay Archbishop Brown.

Binigyang-diin ng nuncio na ang panawagang ito ni Pope Leo XIV ay nangangahulugan ng sama-samang pagtataguyod ng lipunang nagtatanggol sa karapatan ng bawat tao at nagwawaksi ng iba’t ibang anyo ng kasalanan.

“But here on earth, we need to create a society that increasingly respects human rights—the right to life from conception in the mother’s womb until natural death. We need a society that works to eliminate corruption, sin, crime, discrimination, and all those things that weigh us down and degrade our earthly dreams. We need to work together. The Holy Father is asking us to rebuild the walls of Jerusalem,” aniya.

Iniuugnay rin ni Archbishop Brown ang panawagang ito sa unang encyclical ni Pope Leo XIV, Magnifica Humanitas, na naghihikayat sa Simbahan at sa buong sangkatauhan na sama-samang itaguyod ang katarungan, kapayapaan, at paggalang sa dignidad ng bawat tao.

Kaugnay nito, sinabi rin ng nuncio na ang kasaysayan ng La Virgen sa Cotta ay patunay ng katatagan ng pananampalataya ng sambayanan ng Ozamiz.

Ipinaalala niyang ang orihinal na imahen, na naging sentro ng debosyon sa loob ng maraming siglo, ay nawala noong 1975 ngunit muling natagpuan at napatunayang tunay na makasaysayang imahen bago ito pormal na ibinalik sa Archdiocese of Ozamiz noong 2017.

Ang pagbabalik ng imahen ay muling nagpasigla sa isa sa pinakamatandang debosyon sa Mahal na Birhen sa Mindanao at naging sagisag ng pananampalatayang nananatiling buhay sa kabila ng paglipas ng panahon.
“The statue which you see here in the sanctuary was originally in the Fuerte de la Concepción y del Triunfo and has been an object of deep veneration for many, many years. She has had a very interesting history. At one point, she was lost but found. And now she is back with all of you, her beloved devotees.”

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown ang kahalagahan ni Maria bilang Ina ng Simbahan na ipinagkaloob ni Hesukristo sa sangkatauhan mula sa Krus.

“So, at the last moment from the Cross, Jesus, in the person of Saint John, who represents all of us, gives us Our Lady, La Virgen de la Cotta, as our Mother. It is the final gift, we can say, that Jesus gives.”

Hinimok din ng nuncio ang mga deboto na patuloy na lumapit sa Mahal na Birhen upang higit silang mapalapit kay Hesus.

“We ask Our Lady always to bring us closer to Jesus, helping us to hear His words spoken to each one of us tonight: ‘Behold your Mother.'”

Isinagawa ang episcopal coronation bilang isa sa mga tampok na pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo o Diamond Jubilee ng Archdiocese of Ozamiz.

Pinangunahan ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang koronasyon, na sinaksihan ni Archbishop Brown at ng buong kapulungan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang plenary assembly sa arkidiyosesis.

Ang episcopal coronation ay pormal na pagkilala ng Simbahan sa makasaysayan, malalim, at patuloy na debosyon ng mga mananampalataya sa La Virgen sa Cotta, isang debosyong nanatiling matatag sa kabila ng pagkawala ng orihinal na imahen at patuloy na nagsisilbing bukal ng pananampalataya at pag-asa para sa mga deboto sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 55,422 total views

 55,422 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 85,644 total views

 85,644 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 112,295 total views

 112,295 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 207,268 total views

 207,268 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 224,750 total views

 224,750 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top